yerba
yér·ba
png |Bot |[ Esp hierba ]
1:
haláman na hindi makahoy at namamatay pagkaraang mamulaklak : HERB
2:
haláman na pampalasa sa pagkain at nagagamit na gamot o pabango ang mga dahon, butó, o bulaklak : HERB
3:
yér·ba·bu·wé·na
png |Bot |[ Esp hierbabuena ]
:
haláman (Mentha arvensis ) na may aromatikong dahon, katutubò sa Europa at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español : FIELD MINT,
HÉRBABUWÉNA
yér·ba·má·la
png |Bot |[ Esp hierbamala ]
:
palumpong (Euphorbia cotinifolia ) na 1.5 m ang taas, may mga sangang matigas at mamulá-mulá, may dahong mamulá-mulá ang gilid at mga ugat, at may maliliit na bulaklak at kulay putî, katutubò sa Peru at Venezuela at kamakailan ipinasok sa Filipinas.