kubakob


ku·ba·kób

pnr
1:
[ST] napapalibutan ang lahat ng bahagi
2:
[Bik Kap Tag] mababà ang bubong
3:
nakakuba hábang naglalakad o tumatayô.

ku·bá·kob

png
1:
[Bik Kap ST] dampa na walang silong at mababà ang bubong
2:
[ST] pagtuturing na alipin ang lahat ng kasapi ng pamilya
3:
[ST] parusang ipinapataw noong unang panahon sa suwail at manlo-loko, pinaliligran ng buong bayan ang bahay nitó, inaakyat, at kapag tumakbo ito ay binabató palabas ng bayan, at winawasak ang bahay nitó.