-ay
ay
png
1:
tawag sa titik I
2:
Gra
kapalit ng kuwit.
ay
pnd
:
pandiwang pantulong var e
Ay!
pdd
:
bulalas o sigaw ng hinaing, pagsalungat, o hindi pagsang-ayon.
a·yá
png |[ ST ]
:
aliping tagapag-alaga ng batà.
a·yâ-a
png |[ ST ]
:
hangà o paghangà.
a·yá·as
png |[ ST ]
1:
ingay na hindi gaanong malakas, tulad ng ingay kung may natangay na bagay
2:
Bot
isang uri ng damo.
á·ya-áy
pnr |[ Hil ]
:
bihirang matagpuan.
a·ya·bá
png |[ ST ]
:
kanin na hindi maayos ang pagkaluto ; kaning nahilaw o nasunog.
A·ya·bá
pdd |[ ST ]
:
O ano?
á·yad
png |[ Tau ]
:
íngat o pag-iíngat — pnr ma·á·yad.
a·yág
png
1:
Mus
[ST]
pag-awit ng tagumpay ; o ang idyomatikong pagpapahayag ng “magsaya”
2:
[Seb]
salà1 o pagsalà.
á·yag
png
1:
[Igo]
pagbabalik ng kaluluwa sa isang táong may sakít
2:
[Ilk]
ritwal ng panggagamot para ibalik ang kaluluwa ng yumaong maysakít.
a·yák
png |[ ST ]
1:
pagpapatigil sa paglululan ng kalakal
2:
3:
sa Boso-boso, Antipolo, salita ng paghanga.
ay-ák
png |[ ST ]
:
pinaikling “Ano? Bakit ka naparito? ”
á·yam
png
1:
Zoo
[Akl Bik Tag War]
áso
2:
Zoo
ásong magandang palakihin at alagaan
3:
anumang hindi tiyak o halò-halò ang uri, hal ásong mongrel
4:
[Ilk]
larô1
5:
[Iva]
lákad1
a·ya·má
png |Zoo |[ ST ]
:
talangkang nahuhúli sa tubig tabáng.
a·ya·mín
png |[ ST ]
:
paghipo na may kalakip na laswa.
a·yá·min
png |[ ST ]
:
laruán ng batà.
A·yán!
pdd |[ Bik Kap Tag ]
:
pahayag ng pagtatanghal, pagtuturo, o paninisi.
a·yá·nas
pnd |ma·a·yá·nas, ma·a·yá·nas |[ ST ]
:
masubsob o mapasubsob dahil sa bigat ng dalá-dalá.
a·yáng
png
1:
[ST]
pagbabanta habang itinataas ang bisig
2:
[Igo]
masamâng kapalaran.
A·yá·ngan Ma·yáw·yaw
png |Lgw |[ Ifu ]
:
isa sa wika ng mga Ifugaw.
a·ya·ngí·li
png |Bot
:
punongkahoy (Acacia confusa ) na 12 m ang taas, may bulaklak na dilaw, katutubò sa Filipinas, Timog-silangang Asia, at Taiwan : FORMOSAN KOA TREE
A·yá·no!
pdd |[ ST ]
:
pinaikling “E, ano? Magaling ba? ”
a·ya·pá·na
png |Bot |[ Esp ]
:
yerba (Eupatorium triplinerve ) na halámang gamot at salit-salit ang dahon.
á·yar
pnd |a·yá·rin, i·á·yar, mag-á·yar |[ ST ]
:
gawin nang mapayapa ang isang bagay.
a·yás
png |Mus |[ Tua-Dus ]
:
ritmo ng kulintang.
á·yat
png
1:
[Iba]
hangà o paghangà
2:
[Mrw]
kabanatà1
3:
Lit
[Tau]
pangungusap, taludtod, o berso
4:
[Akl War]
hámon.
ayatollah (a·ya·tó·la)
png |[ Ing Ara ]
:
pinunò ng mga Shíite sa Iran.
a·yáw
png
:
larong gumagamit ng maliliit na kontsa.
á·yaw
png |[ ST ]
:
pagbibigay ng bahagi sa bawat isa, hal pag-aayaw-ayaw ng pagkain upang magkaroon ng parte ang lahat.
a·yáw-a·yáw
pnr
:
salítan o pantay ang pamamahagi ; baha-bahagi — pnd a·yaw-a·ya·wín,
mag-a·yáw-a·yáw.
A·yí!
pdd |[ ST ]
:
pahayag ng pagkamangha sa balitang may nangyari sa isang tao.
á·yi
png |[ Tau ]
:
ritwal ng paghuhugas ng kamay, mukha, ilong, tainga, at mga paa bago magdasal ang mga Muslim.
a·yi·bú·tor
png |Bot |[ ST ]
:
gitna o ubod ng punongkahoy.
a·yí·kir
pnd |a·yi·kí·ran, mag-a·yí·kir |[ ST ]
:
higpitan ang takip.
a·yíng
pnd |a·yi·ngín, i·a·yíng, ma·a· yíng Agr |[ ST ]
:
matuyô at manlagas ang mga tanim.
a·yí·ong
png |Bot |[ ST ]
:
payát ngunit mahabà ang biyas na kawayan.
a·yíp-ip
png |Zoo |[ ST ]
:
kalahating pangharap na bahagi ng katawan ng hayop na may apat na paa ; likod ng hayop.
a·yí·po
pnd |a·yi·pú·hin, ma·a·yí·po |[ ST ]
:
sunugin o masunog.
áy·kon
png |[ Gri eikon Ing icon ]
1:
imahen o eskultura ni Cristo o iba pang banal : IKÓNO
3:
4:
Lgw
symbol na kahawig ng bagay na kinakatawan nitó.
Ay·mú·yu
png |Lgw |[ Ilt ]
:
isa sa wika ng mga Ilongot.
ay·nâ
png |Agr |[ ST ]
:
lupang punlaan.
áy·nas
pnd |mag-áy·nas, u·máy·nas |[ ST ]
:
lumiban sa trabaho o anumang gawain upang magpagalíng sa sakít.
ay·nát
png |[ ST ]
:
tao na napapagod maglakad dahil kagagáling sa sakít.
a·yó
png |[ ST ]
:
pagbibigay sa anumang hinihingi sa kaniya ng iba.
a·yò
png
:
salita o kilos na nagpapahiwatig ng pagkampi o pagtatanggol.
á·yo
png
1:
[ST]
túlong
2:
Bot
baging (Tetrastigma harmandii ) na may dahong mapusyaw na lungti at nagbubunga ng berry, katutubò sa Filipinas at Indochina : HÁYOK
3:
Med
[Hil Seb]
galíng1
á·yob
png |Say |[ Kal ]
:
piraso ng tela na tinatanganan ng laláking mananayaw sa tadek.
á·yob
pnd |a·yú·bín, i·á·yob, mag-á·yob |[ ST ]
:
magsalang sa apoy ng anuman upang uminit.
a·yo·bó
png |[ ST ]
:
paggawâ ng yantok na silò.
á·yon
png |[ ST ]
:
pagiging pantay o kasukát.
á·yon
pnr pnb
1:
alinsunod sa isang panukala, layunin, o tunguhin : SANG-AYON
2:
payag o panig sa isang bagay o panukala : SANG-ÁYON
3:
a·yo·pin·pín
pnd |a·yo·pin·pi·nán, i·a·yo·pin·pín, u·ma·yo·pin·pín |[ ST ]
:
lumapit sa isang bagay.
á·yos
png |ka·a·yu·sán
1:
paraan ng paghúsay ng pagsasalansan, pag-uugnay, o pagsusunod-sunod ng mga sangkap o bahagi ng isang bagay, o ng mga magkakauring bagay : ARRANGEMENT,
ORDER2,
SALÉSE
2:
3:
[ST]
pagpapatalas ng talim — pnr a·yós. — pnd i·sa·á·yos,
mag-á·yos,
u·má·yos
a·yó·weng
png |Mus |[ Bon ]
:
awit sa pagsasáka.
ay·ró
pnd |ay·ru·hín, i·ay·ró, u·may· ró |[ ST ]
:
akyatín o umakyát.
ays·lá·do
pnr |[ Esp aisládo ]
1:
tinakpan, sinapnan, binalutan, o inihiwalay gamit ang isang materyal na pumipigil o nagpapababà sa pagdaloy, paglipat, o pagtagas ng init, koryente, o tunog : INSULATED
2:
inilagay sa hiwalay na sitwasyon o kondisyon : INSULATED
3:
protektado laban sa hindi kanais-nais na epekto o elemento : INSULATED
ays·lá·dor
png |[ Esp aislador ]
1:
Ele
bagay o substance na may napakababàng kakayahan upang magpadaloy ng koryente kayâ ang pagdaloy ng koryente dito ay itinuturing na walang halaga ; materyales na ginagamit sa ayslamyento, karaniwang kristal o seramika, sa isang yunit na sadyang ginawâ upang suportahan ang de-kargang konduktor at nang maihiwalay ito : INSULATOR
2:
tao o bagay na nagbibigay-daan o nagsasagawâ ng ayslamyento : INSULATOR
ays·lam·yén·to
png |[ Esp aislamiento ]
1:
pagtatakip, pagsasapin, pagbabálot, o paghihiwalay gamit ang materyales na nakapipigil o nakapagpapababà sa pagdaloy, paglipat, o pagtagas ng init, koryente, o tunog : INSULATION
2:
paghihiwalay o paglalagay sa hiwalay na sitwasyon o kondisyon : INSULATION
3:
pagtatanggol laban sa hindi kanais-nais na epekto o elemento : INSULATION