baga


ba·gà

png |Ana Bio |[ Mrw Seb Tag War ]
:
bahagi ng katawan ng tao o anumang vertebrate na may kaugnayan sa paghinga, sinasalalayan ng tadyang, at nagdadalá ng hangin sa dugo : BALÁ3, LUNG, PULMÓN

ba·gâ

png |Med
:
bukol o tumor sa dibdib ng babae.

Ba·gâ!

pdd
:
varyant ng Bulagâ!

bá·ga

png |[ Bik Hil Mar Seb Tag War ]
:
gatong o uling na nag-iinit ngunit walang ningas : ALYABÓ1, BÁGGANG, BÁYA2, BEGGÁNG, DÚPONG1, NGALÁB, TAPÎ4, WÁGA1 — pnd mag·bá·ga, mag·pa·bá·ga.

ba·gá·ang

pnd |[ Seb ]
:
mapasabak sa isang mabigat o malakíng responsabilidad.

ba·ga·bá·boy

png |Bot

ba·ga·bág

pnr |[ ST ]
:
lubhang abalá o lubhang balisá.

ba·gá·bag

png
:
balísa dahil sa nakikinitang masamâng mangyayari : ALISWÁG1, APPREHENSION, ARUSÍIS, HIWASÁ, LÉGLEG3, LIGÁLIG1, PÁGA5

ba·gá·bag

pnr |[ ST ]
:
nagdulot ng kahihiyan o eskandalo.

bá·ga-bá·ga

png |Zoo
:
isdang-alat (family Holocentridae ) na makináng, matigas, at matibò ang kaliskis, matinik ang ulo, at tumitirá sa mga korales : SOLDIERFISH, SUGÁ-SUGÁ1, TANTÍNG

ba·gá·bas

png |Bot |[ Bik ]
:
punò ng palay na nalanta dahil sa malakas na hangin o bagyo.

ba·gá·bay

png
:
kumot na yari sa bulak at ginagamit na pantakip : LINÚMPOT Cf BINÁYBAY

ba·ga·bér

png |[ Mrw ]

ba·gá·bo

png |Bot

ba·ga·bún·do

pnr |[ Esp vagabundo ]

ba·gág·ya·nak

png |Mit |[ Igo ]
:
hindi nakikítang espiritu o ibon na naririnig ang sigaw sa gabi.

ba·gá·he

png |[ Esp bagaje ]
1:
dalá-daláhan ng isang manlalakbay, karaniwang nása maleta : AWI-AWÍT, AWÍT1, BAGGAGE, LUGGAGE, PASÁNIN2

ba·gák

png |Bot |[ Hil Seb War ]

ba·gák

pnr
:
nasadlak ; hindi makasulong.

bag-ák

pnr |[ ST ]

bá·gak

png |[ ST ]
:
patpat o bungang-kahoy na nabiyak dahil sa pagkakalaglag.

ba·gá·kan

png |Bot |[ War ]
:
payát o manipis na kawayan.

ba·gá·kay

png
1:
Bot uri ng kawayan (Schizos lumampao ) na ginagamit na sumpit o kayâ’y bakod sa baklad ; itinuturing na pinakamaliit, pinakamalambot, ngunit may pinakamahabàng biyas na kawayan
2:
Mus [Aby] paléndag
3:
[ST] pampakintab na katulad ng mula sa punongkahoy na box.

ba·gak·bák

png |[ ST ]
1:
pagsalungat laban sa malakas na hangin o malaking agos o ang bangkang napigil ng ganitong pangyayari Cf SÚONG
2:
malimit ngunit maliit na patak ng tubig, ulan, o pawis.

bá·gal

png |[ Kap Seb Tag ]
:
paggamit ng higit na mahabàng panahon sa pagkilos o paggawâ ng anuman : AMBÁNG, BÁTTAK, BÁYAK, BÁYAT1, BUNTÓG2, GIGÌ1, HÍMAN1, HÍNAY, KÚYAD1, LÚYA2, NÁNAK, TANTÁN2, TÁYAM2 Cf SÁGAL

bá·gal

pnr |[ ST ]
:
malakí o makapál.

bá·gá·lin

png |[ ST ]
:
laláking matabâ.

ba·ga·lú·nga

png |Bot
:
punongkahoy (Melia dubia ) na 15 m ang taas, may tatluhang dahon sa tangkay, at may mga bulaklak na maliit at kumpol sa bawat tangkay, katutubò sa Filipinas : PHILIPPINE NEEM TREE

ba·ga·mán

pnt |[ baga+man ]
:
maganáp man ; katagang nagpapasubali sa bagay na naipahayag na, karaniwang sinasamahan ng dinaglat na at upang maging bagama’t : BIKSÂ, BISTÁMAN, DAWÂ, KAHINYÂ, KAHINYAMÁN, KÁHIT, MASKÍ

ba·ga·má’t

pnt
:
pinaikling bagamán at.

ba·gam·báng

png |Bot

ba·ga·mún·do

pnr |[ Esp vagamundo ]

ba·gán

png |Zoo |[ War ]
:
uri ng uwang (Oryctes rhinocerus ) na sumisira sa punò ng niyog.

ba·gá·naw

png |[ Seb ]

ba·gáng

png |Ana
:
mga ngiping nása panulukan ng gilagid na malaki kaysa mga nása gitna at siyang ginagamit na pandurog ng kinakain : BAG-ÁNG1, MOLAR

bag-áng

png
1:
Ana [Hil ST] bagáng
2:
[ST] dalawang tao na magkasundo o dalawang bagay na mahusay ang pagkakalapat, gaya sa sinasabing “kabag-ang” o “magkabag-ang.”

ba·gáng

pnd |[ Hil ]
:
initin ang tubig, pagkain, at mga katulad.

bá·gang

png |Zoo |[ War ]

ba·gá·ngan

png
1:
[Hil] malakíng lutuan
2:
Zoo [Hil] kulisap na mahilig kumain ng niyog
3:
Zoo [Seb] bitílya.

ba·gá·ni

png
1:
[Bag Bil Mnd] mandirígma
2:
[Mnd] pinunò ng pamayanan.

ba·ga·ní·han

png |[ Hil ]

ba·gán·si·yá

png |[ Esp vagancia ]
1:
láboy4 o paglaboy
2:
Bat pagkakasála ng isang nadakip na lumalaboy Cf ALIKÓT

ba·gá·ong

png |Zoo
:
uri ng babansî (Terapon jarbua ) na may tatlong nakakurbang guhit na itim sa katawan : BUNGÁW

ba·gar·bás

png |Bot
:
malaki-laking punongkahoy (Hydnocarpus sumatrana ), 10 m ang taas, may dahong manipis at pahabâ, may bungang bilugan, kayumanggi ang kulay ng balát at 5–10 sm ang diyametro, katutubò sa Filipinas lalo na sa Basilan at Tawi-tawi : KAMÚPANG, MÁNGGA-SALÓKAG, MÁNGGA-SALÍKA, MANSALÓKA, SUGÁLINGÁYAW, TIYÓTO

ba·gás

png |[ Bik Ilk ]
1:
Bot bigás
2:
[Hil] marka o peklat sa mukha at katawan na sanhi ng bulutong.

bá·gas

png |Bot
:
palmerang karaniwang matatagpuan sa Palawan at Mindoro, maliit ang katawan, bihirang lumampas sa 3 o 4 sm ang lakí, at bihira ring umabot sa 3 m ang taas.

ba·gas·bás

png
2:
[ST] pagtangay ng agos sa sasakyang-dagat.

ba·gas·bás

pnr

ba·gá·so

png |Bot
:
sapal o mugmog ng tubóng niligis o kinabyaw : BAGASSE

bagasse (ba·gás)

png |Bot |[ Ing ]

ba·ga·sú·wa

png |Bot
:
baging (Ipomea poscaprea ) na karaniwang tumutubò sa mabuhanging baybayin ng dagat : BALIMBÁLIM, KABÁYKABÁY2, KÁTANGKATÁN

ba·gát

pnd |i·ba·gát, mag·ba·gát |[ ST ]
1:
mag-atas ó magbigay ng kapangyarihan sa isang katalona
2:
magsiyasat, tulad ng mga guwardiya.

bá·gat

pnd |ba·gá·tan, ba·gá·tin, i·bá·gat, mag·bá·gat
1:
[ST] hanapin ang tamang daan sa paghila ng anumang kahoy
2:
[ST] hanapin ang daan para matunton ang sinuman
3:
[Bik] harangin o pahintuin.

ba·gá·u·lán

png |Bot
:
punongkahoy (genus Guattarda ) na lumalago sa dalampasigan, may mabangong bulaklak na bumubukadkad sa gabi at tumitikom sa madaling-araw : KÁLUMPÁNGIN Cf BANÁRO

ba·ga·ú·ngan

png |Zoo |[ Bik ]
:
ilahas na ibon (Lalage melanoleuca minor ) putî at abuhin ang balahibo, at mahilig magpugad sa sanga ng mga punongkahoy.

ba·gá·wa

png |[ Ilk ]
:
manyika2 var bagbagáwa

ba·gá·wak

png |Bot
:
mataas na palumpong (Clerodendrum quadriloculare ), kulay lila ang tangkay at may pum-pon ng bulaklak sa dulo ng tangkay na kulay putî o mapusyaw na pink ang korola : ALIGTÁRAN

ba·gá·wak na pu·tî

png |Bot
:
palumpong (Clerodendrum minahassae ), mabango at putî ang bulaklak, at 4 m ang taas.

ba·gaw·báw

png |[ ST ]
:
pook na mataas na pinaglalagyan ng mga gamit.

ba·gaw·báw

pnr
:
umaapaw o punông-punô : BÁBUYBÓY, ÚSBONG var balawbaw

ba·gáy

png |[ Tau ]

bá·gay

png |[ Bik Tag ]
1:
anumang nadarama ng limang pandamdam o naaabot ng isip ng tao, nakikita man o hindi : BAGE1, BÁNAG3, BENGATLÁ, BUTÁNG2, NGÁNIN, THING
2:
gaya rin ng sinundan ngunit ikinakapit lámang sa mga hindi tiyak na kahulugan na iniuukol kadalasan sa mga pakahulugang sanhi, dahilan, kabuluhan, o halaga : THING
3:
Mus pag-apina ng mga instrumentong pangmusika.

bá·gay

pnr

bá·gay-bá·gay

png |[ ST ]
:
iba’t ibang bágay.

ba·gay·báy

png |Bot
:
tangkay na kinakapitan ng buwig ng saging o anumang bungangkahoy.

ba·gay·báy

pnd |ba·gay·ba·yín, mag·ba·gay·báy |[ ST ]
1:
mamitas ng niyog at bunga
2:
magkarga nang labis.

ba·gáy·bay

png |Zoo |[ Seb ]