• ba•yá•ni
    png | [ Bik Ilk Kap Seb Tag War ]
    1:
    tao na may kahanga-hangang katapangan at abilidad
    2:
    tao na itinuturing na may kahanga-hangang katangian at may nagawâng napakahalaga
    3:
    pangunahing tauhang laláki sa dula, kuwento, pelikula, at katulad
    4:
    a nilaláng na may katangiang tulad ng mga diyos b mandirigma na may espesyal na lakas, tapang, o abilidad
    5:
    [ST] gawaing panlahat
  • ba•yá•ni
    pnd
    :
    mangibabaw o pangibabawan
  • A•raw ng mga Ba•yá•ni
    png
    :
    pambansang paggunita sa mga namatay sa Rebolusyong Filipino at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginaganap tuwing hulíng araw ng Agosto