baya
Ba·yá·ba
png |Ant |[ ST ]
:
Agt
sa bundok ng Kasasay.
ba·yá·bag
png |Kar |[ ST ]
:
tukod na inilalagay sa bahay kung naghahalili ng haligi.
ba·yá·bas
png |Bot |[ Hil Ilk Seb Tag War Esp guayaba ]
:
palumpong hanggang maliit na punongkahoy (Psidium guajava ) na may bungang bilugán, mabutó, at nakakain, katutubò sa tropikong America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español, may mga bagong uri na ipinasok kamakailan sa Filipinas gaya ng guavajava na malaki ang bunga : BAYÁWAS,
BAYABÒ,
GUAVA,
TAYÁBAS
ba·ya·báy
pnd |[ War ]
:
magpahayag o magpabalita sa pamamagitan ng tagabando ; ipahayag sa publiko.
ba·yád
pnr
:
napalitan o nagantihan na ; naisauli na.
bá·yad
png |ka·ba·ya·rán |[ Bik Hil Ilk Kap Seb War ]
1:
bagay na kapalit ng anumang binili, serbisyo, o inutang : PÁGO1,
PAY2,
PAYMENT,
COMPENSATION,
KOMPENSASYÓN,
ÚYAN,
VAHÉS var báyar1
2:
bá·yad-pin·sa·là
png
:
salaping ibinayad sa tao na nasaktan, o nagawan ng anumang nakasisirà sa kaniyang katawan, katauhan, o karangalan : DÁNYOS PERHUWÍSYOS,
REPARASYÓN2
ba·yág
png |Ana
ba·yag·bág
png |Zoo
:
hayop na kahawig ng bayáwak (Iguana iguana ), malalakí ang binti na may tumpok na tinik mulang leeg hanggang unahang paa.
ba·yág-ka·bá·yo
png |Bot
:
makinis na halámang-baging (Dioscorea bulbifera ) na sinlaki ng kamao ang bungang nakalalason kung hilaw ngunit nagagamit na gamot sa sipilis, singaw, at pigsa : UBI-UBÍHAN,
UTÓNG-UTÚNGAN
ba·yág-u·sá
png |Bot
ba·ya·ís
pnr |[ ST ]
1:
sakim at masamâ ang ugali
2:
maligalig, makipag-away
3:
balisá dahil sa makipot na kinalalagyan.
bá·yak
pnd |ba·yá·kan, mag·bá·yak |[ ST ]
:
patunáyan o magpatúnay.
bá·yá·kan
png |Zoo
:
malaking paniki (Pteropus vampyrus lanensis ) na mahilig kumain ng bungangkahoy : FRUIT BAT
ba·yak·bák
png |Bot |[ Iva ]
:
matigas na punongkahoy at may bungang kahawig ng kumpol-kumpol na bayabas at kinakain lámang ang balát na lasang makopa.
ba·ya·kís
png |[ ST ]
:
dulo ng alampay na ikinakabit ng laláki sa harapang bahagi ng baywang.
ba·yá·kos
png
:
púkot na yarì sa sinamay.
ba·yá·kos-pam·bang·kâ
png |Psd |[ bayakos pang+bangka ]
1:
malakíng lambat na ayos púkot, gawâ sa sinamay, at iniuumang mula sa bangka
2:
sa Pampanga, lambat na panghúli ng hipon.
ba·yá·kos-pang·gí·lid
png |Psd
:
lambat na ayos púkot at iniuumang sa gilid at mababaw na bahagi ng tubig.
ba·yá·kos-pan·lá·kad
png |Psd
:
lambat na ayos púkot, hawak ng dalawang tao, at ipinanghuhúli sa hindi kalalimang tubigan.
ba·yam·báng
png
1:
Bot
yerba (Amaranthus spinosus ) na gamot sa gonorea at ginagawâng palamuti
2:
Zoo
[Seb]
barásot.
ba·yán
png |[ ST ]
:
araw, gaya sa “malalim ang bayan ” mahalagang araw, o tanghaling-tapat.
bá·yan
png
1:
Pol
bansâ1
2:
Pol
[ST]
mamamayan
4:
[ST]
espasyo mula rito hanggang sa langit
5:
[ST]
panahon, gaya sa “masamâng bayan ” masamâng panahon
6:
Pol
yunit ng pangangasiwa sa gawa-ing pampolitika ng pamahalaan na binubuo ng mga baranggay
7:
Bot
palumpong (Memecyclon ovatum ) na habilog ang dahon, matingkad na asul ang bulaklak, at kulay lila ang bunga
8:
[Iba]
lantad na pook
9:
[Mrw]
pahayag1–3
-bá·yan
pnt
:
pambuo ng tambalang salita at nagpapahiwatig ng sambayanan o ng taumbayan, gaya sa panitikang-bayan, awiting-bayan : FOLK-
bá·yang
png
1:
Bot
[War]
halámang tumutubò sa pasô
2:
Zoo
[Bik Tag]
darapúgan
3:
Zoo
[Bik]
kítang1
4:
pagsunog ng palayok o alinmang kagamitang gawâ sa luad na kayayarì lámang upang maging ganap at matibay.
bá·yang
pnd |ba·yá·ngan, mag·bá· yang |[ ST ]
:
pausukan ang tapayan.
ba·yá·ngaw
png |Zoo
:
parasitikong langaw (family Oestridae, Gastero-philidae, o Cuterebridae ) na karaniwang dumarapo sa balát ng kabayo o kalabaw Cf BÁNGAW
ba·yang·báng
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng yerbang walang halaga.
ba·ya·ngót
png |Bot
:
funggus na tumutubò at nabubúhay sa balát ng mga punongkahoy.
ba·yá·ni
png |[ Bik Ilk Kap Seb Tag War ]
1:
tao na may kahanga-hangang katapangan at abilidad : BAGANÍHAN,
BANWÁR,
HERO1,
HULUBALÁNG
2:
3:
Lit Tro
pangunahing tauhang laláki sa dula, kuwento, pelikula, at katulad : BAGANÍHAN,
BANWÁR,
BÍDA2,
HERO1,
HULUBALÁNG,
PROTAGONIST,
PROTAGONÍSTA
4:
5:
ba·yá·ni
pnd |ma·ma·yá·ni, pa·ma· ya·ní·han
:
mangibabaw o pangibabawan.
ba·ya·ní·han
png |[ bayani+han ]
ba·yá·ong
png |[ Ifu ]
:
mámaháling balabal na ginagamit lámang ng mga mumtoni sa mga ritwal.
bá·yar
png |[ ST ]
1:
varyant ng báyad
2:
pagtatakip ng bútas, pagdadagdag ng kulang
3:
pagbilí at pagbibilí ng mga alipin.
ba·ya·rán
png |[ bayad+an ]
1:
panahon ng pagbabayad
2:
pook na pinagbabayaran
3:
tao na binayaran upang gumawâ ng isang bagay, karaniwang lihim.
bá·yar hi·pá
png |[ ST ]
:
bayad sa kinain.
ba·ya·rín
png |[ báyad+in ]
ba·yá·saw
pnr |[ War ]
:
bigô1 o nabigô.
ba·ya·sít
png |Bot
:
palumpong (Securinaga virosa ) na malago at ginagawâng tina ang katas ng balát.
ba·yáw
png |[ Tsi Akl Bik Hil Ilk Pan Seb Tag War ]
1:
bana ng kapatid o pinsang babae ; laláking kapatid o pinsan ng asawa : FEL
2:
tawagan ng mandaragat na hindi magkakakilála kapag namamalakaya.
bá·yaw
png
2:
[Mrw]
búhat
3:
[Hil Mrw Seb]
angát3
4:
Lit
[Igo]
dasal para sa kapayapaan ng dalawang baryo o dalawang mangangalakal.
bá·yaw
pnr |[ ST ]
:
tahimik, payapa, gaya sa ”mabayaw na loob ” mapayapang kalooban.
ba·yá·wak
png |Zoo
ba·ya·wís
png |[ ST ]
1:
tao na mahirap pakitunguhan, tao na hindi marunong makisáma
2:
nása masamâng kalagayan at kailangang maghigpit ng sinturon.
ba·ya·wís
png |[ ST ]
:
tao na mahirap pakitunguhan.