but
but
png
:
tunog ng hanging nakawala mula sa pagkakulong.
bú·ta
png |Bot |[ Kap Tag ]
:
punongkahoy (Excoecaria agallocha ) na tumataas nang 8 m, nabubúhay sa tubig-alat, at may nakalalasong dagta : ALIPATÁ,
LIPÁTA,
LIPÁTANG BUHÁY
bu·tá·da
png |[ Esp botar+ada ]
:
pagbubunsod ng bagong gawâng sasakyang-dagat.
bu·tá·do
pnr |[ Esp botar+ado ]
:
pinawalan sa parang para manginain, gaya ng kalabaw at ibang hayop na kumakain ng damo : TUGWÁY
bu·tág·tok
png |Ana |[ War ]
:
butó ng gulugód.
bu·tál
png
:
sa pagbibiláng, gaya ng salapi, ang labis sa isang takdang dami.
bu·tan·díng
png |Zoo
:
itinuturing na pinakamalaking patíng sa buong mundo (Rhincodon typus ) na lumalaki nang 11–18 m, mangitim-ngitim na may mga bátik na putî ang kata-wan, hindi itinuturing na mabangis, at may pook panginainan sa Donsol, Sorsogon : WHALE SHARK var putanding
bú·tang-bú·tang
png |[ Seb ]
:
malîng bintang.
bu·tás
pnr
:
may bútas.
bú·tas
png
1:
bú·tat
png |Bot |[ ST ]
:
punongkahoy na may bungang katulad ng balimbing ngunit hindi nakakain.
bú·taw
png
1:
3:
sa pusoy, barahang walang maipapareha
4:
[ST]
pagbitaw sa isang bagay o paghinto sa ginagawâ
5:
[ST]
ambag para makabili ng isang bagay.
bu·tá·win
png |[ ST butaw+in ]
1:
halagang ginamit na puhunan, ginastos, o ibinayad
2:
pagdaan sa makipot na daan
3:
pagsunong ng mga banga
4:
pagmumulâ sa isang pook
5:
pagpapása ng pagkakautang, hal si Juan na may pagkakautang kay Pedro ay ipinasa kay Pedro ang kaniyang pagkakautang kay Francisco.
bu·tá·yong
png |Bot |[ Ilk Pan ]
:
takupis ng ikmo o ng niyóg.
but·bót
png
1:
masusing pagsisiyasat at paghalughog ng mga sisidlan, bungkos, at katulad
2:
[Bik]
butingting
3:
huni ng kuwago at bahaw
4:
[ST]
paghukay sa libíngan
5:
[ST]
pagkatuklas sa lihim
6:
Agr
[ST]
bungkal2 o pagbungkal
7:
Agr
[ST]
pagkakalat sa bolobor
8:
[ST]
paglalakad nang napakabilis, subalit ginagamit sa negatibong paraan, hal “Anong di mo ikabutbot?” O Bakit hindi ka magmadali?
but·bút-ku·wáw
png |Zoo |[ Bik ]
:
uri ng maliit na kuwago (Otus megalotis ) na may tíla taingang balahibo sa magkabilâng itaas ng matá : SCOPS-OWL
bu·te·tè
png |Zoo
bu·te·tè
pnr |Kol
:
may malaking tiyan o puson.
bu·té·te
png
1:
Zoo
uri ng nakalalasong isda (Tetodron lunaris ) : LANGIGÍDON,
PUFFERFISH,
TAGUTÚNGAN,
TAMBORÁWAN,
TÍKONG
2:
Bot
yerba (Cleome spinosa ) na mabalahibo.
bu·te·tèng-láot
png |Zoo |[ butéte+ng-láot ]
:
malaki-laking uri ng isdang-dagat (family Diodontidae ), malaki ang matá, at may matatalim na tinik sa ulo at katawan : DÚTO,
PORCUPINE-FISH
bú·ti
png |ka·bu·tí·han
1:
katangiang ikinasisiyá ng kapuwa tao at umaalinsunod sa pamantayang moral ng lipunan, hal katapatan, pagiging matulungin, pagiging magálang : BAÍT Cf KAGANDÁHANG-LOOB
2:
kalagayang maayos at maganda — pnr ma·bú·ti
3:
pag·bú·ti pagbalik ng lakas o kalusugan mula sa karamdaman
4:
Med
[ST]
bulutong, ketong para sa mga Tinggian
5:
[ST]
ganda o kagandahan
6:
[ST]
palamuti o pagpapalamuti.
bu·tí·hin
pnr |[ ST ]
:
kaaya-aya, matikas magbihis.
bu·tík
png |Zoo |[ ST ]
:
isang uri ng ibong may iba’t ibang kulay.
bu·tí·kas
png |Bot |[ ST ]
:
tumutubò na pálay.
bu·tík-bu·tík
png |[ ST ]
:
paghahalò ng iba’t ibang kúlay.
bu·ti·kî
png |Zoo
bu·tí·law
png |Zoo |[ ST ]
:
malakíng butetè.
bu·ting·gán
png |Bot
:
ilahas na kamatis (Lycopersicum esculentum ).
bu·ting·tíng
png
1:
[Bik Ilk Kap Pan Tag War]
labis na pagbusisi sa mga hindi mahalagang detalye : BUTBÓT2 var gutintíng
2:
[ST]
paghawak o paggawâ ng isang bagay na parang naglalaro lámang.
bú·tit
png |[ Ifu ]
:
malaking basket na hugis banga, gawâ sa mga patpat na silat-silat, at ginagamit na sisidlan sa panghuhúli ng bálang : ÍWUS
but·líg
png |Med |[ Bik Ilk Kap Tag ]
:
maliit at namumuláng umbok sa balát : BITUGBITOG,
BÓTIG,
BÚROG2,
GUTÛ,
LÍBTOG
but·lóg
pnr |[ Bik ]
:
malaki at uslî ang matá.
bút·log
pnr |[ Hil Seb ]
:
malaki ang matá.
bu·tô
png |Zoo |[ War ]
:
kinapong baboy.
bút-o
png |Ark |[ ST ]
:
tarugong kahoy na ginagamit sa tahílan.
bu·tó-bu·to·né·san
png |Bot
:
halámang damo (Euphorbia pilulifera ) na mabalahibo, taunan kung tumubò, at bilóg at pulá ang maliliit na bulaklak : GATÁS-GATÁS
bu·tóg
pnd |[ Bik ]
:
papintugin ; palobuhin.
bu·to·kán
png |[ ST ]
:
kubo o pook na pinagtatagpuan at pinagtitipunan ng mga tao sa bukid.
bu·tól
png |[ Ilk ]
2:
buhol ng lúbid o sinulid
3:
nakaumbok na bahagi ng talampákan ng manok
4:
Med
[Bik]
pantál1
bu·tó·nes
png |[ Esp boton+es ]
bu·tó·nes-bu·to·né·san
png |Bot |[ Esp boton+es-boton+es+ Tag an ]
:
tuwid at sanga-sangang yerba (Gomphrena globosa ), may eliptikong dahon na 10 m ang habà at mabalahibo ang gilid, at may bulaklak na tíla globo at kulay putî, dalandan, o morado : BOTONSÍLYO,
GLOBE AMARANTH
bú·tong-bú·tong
png
1:
[ST]
isang uri ng punòngkahoy na may magan-dang uri ng kahoy
2:
bu·tóng-ma·nók
png |Bot |[ ST buto+ ng manok ]
:
isang uri ng punongkahoy.
bu·tóng-pak·wán
png |Bot |[ buto+ng pakwan ]
:
butó ng pakwan at karaniwang kinakain bílang kukutin : SINGGUWATSÉ
bu·to·tó
png |[ ST ]
:
palayaw sa bunsô.
bút·se
png
:
matamis na munggo, binalot sa manipis na masa, at ipinirito var bútse bútse,
bútsi
butter (bá·ter)
png |[ Ing ]
:
substance na gawâ sa binatíng krema, mapus-yaw na dilaw ang kulay, nakakain, at lásang matabáng.
buttercup (bá·ter kap)
png |Bot |[ Ing butter+cup ]
:
maliit na punong-kahoy (Cochlospermum vitifolium ), may bulaklak na matingkad na dilaw ang talulot, katutubò sa Gitnang America, at itinatanim sa Filipinas bílang punòng ornamental.