mag
mag-
pnl
1:
pambuo ng pangngalan, karaniwang nagsasaad ng relasyon sa isa’t isa ng dalawang tauhan, hal mag-ama, mag-ina, magnuno
2:
apambuo ng mga pangngalang nagsasaad ng trabaho o gawain sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng salitâng-ugat, hal aral b=mag-aarál; bukid = magbubukíd ; gulay = magguguláy
3:
pambuo ng pandiwang pawatas at nagsasaad ng aksiyon, hal mag-aral, magluto, magsayaw
4:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pag-uulit o tuloy-tuloy na aksiyon, at inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat, hal magtatakbó, magluluksó, magsisigáw
5:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng panghihikayat na isakatuparan ang isang aksiyon at inuulit ang salitâng-ugat, hal magpasyal-pasyal, mag-arál-arál
6:
pambuo ng pandiwang may dalawahan o maramihang tagaganap, nagsasaad ng aksiyon na nanggagaling sa iba’t ibang direksiyon, hal magbanggâ, magsalubong, magkíta, magtagpô Cf NAG-
7:
pambuo ng pandiwa at dinudugtungan ng gitlaping –um– nangangahulugan ng pagpipilit o pagpupunyagi, hal, magsumigáw, magpumiglás.
Mag
png |Mit |[ Mns ]
:
unang babae.
ma·gâ
pnr
mag-a·a·rág
png |[ ST ]
:
tagapamahalà o katiwalà sa isang gawain.
mág-a·a·rál
png |[ mag+a+aral ]
:
tao, karaniwang batà at kabataan na pumapasok sa paaralan o kamukuha ng leksiyon at kurso bílang paghahanda sa isang gawain : ÉSKUWÉLA1,
ESTUDYÁNTE,
PUPIL2 PÚPILÓ1,
STUDENT Cf APRENDÍS
Magaera (ma·dyí·ra)
png |Mit |[ Gri ]
:
isa sa mga furias.
ma·ga·ga·li·tín
pnr |[ ma+ga+galit+ in ]
ma·gá·lang
pnr |[ ma+galang ]
ma·ga·lá·yaw
png |Bot |[ Iba ]
:
tindalò, tindaló.
ma·ga·lí·aw
png |Bot |[ Iba ]
:
tindalò, tindaló.
Magallanes, Fernando (ma·gal·yá·nes fer·nán·do)
png |Kas |[ Esp ]
:
(1480–1521) pinunò ng mga manlalayag na Español na dumaong sa Filipinas noong 1521 : FERDINAND MAGELLAN var Magallanes,
Hernando
ma·gá·long
png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, puláng turban na sagisag ng katapangan ng mandirigmang nakapatay na ng kaaway.
mag-a·nák
pnd |[ mag+anák ]
1:
magsilang ng sanggol
2:
maging ninong o ninang sa binyag, kumpil, kasal, at iba pang pagdiriwang.
mag-á·nak
png |[ mag+ának ]
ma·gan·dá
pnr |[ ma+ganda ]
1:
Ma·gan·dá
png |Mit |[ Tag ]
:
unang babae.
ma·ga·nít
pnr |[ ST ]
:
mabagsik at malupit.
ma·gan·yá·kin
pnr |[ ST ]
:
sakim at nais na kaniya ang lahat.
ma·gár·bo
pnr |[ ma+garbo ]
1:
mahilig magtanghal nang marangya : POMPOSO1
2:
tumutukoy sa anumang marangya.
ma·ga·sáng
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng palay.
mag-a·sá·wa
pnd |[ mag+asawa ]
:
pormal na humarap ang isang laláki at isang babae sa isang legal na seremonya upang maging asawa ang isa’t isa : MAKIPAG-ISÁNG DIBDIB,
MAGPAKÁSAL,
MARRY,
WED
mag-a·sá·wa
png |[ mag+asawa ]
mag-a·sá·wang á·lon
png |[ mag+asawa +na alon ]
:
álong magkasunod at may higit na lapit sa isa’t isa kaysa iba.
mag-a·sá·wang ká·hoy
png |Bot |[ mag+asawa+na kahoy ]
:
dalawang kahoy na iisa ang uri ngunit magkaiba ang kulay o kayâ’y magkadikit nang tumubò.
ma·gáw
png |[ ST ]
:
ingay o hiyaw mula sa taong sumisigaw, nagsasalita o umaawit.
mag·ba·ba·lút
png |[ mag+ba+balut ]
:
tindero ng balut at penoy.
Mag·bá·ngal
png |Mit |[ Bik ]
:
magsasaká na naging konstelasyon at nakikíta sa simula ng pagtatanim.
mag·bi·bí·gas
png |[ mag+bi+bigas ]
:
tindera ng bigas.
mag·bí·his
pnd |bi·hí·san, mag·bi·bí·his
:
magpalit ng damit.
mag·bó·bo·té
png |[ mag+bo+boté ]
:
tao na pamimilí ng bote ang ikinabubúhay.
mag·dá·li·tâ
pnd |[ ST ]
:
makiusap o magtiis makinig sa nakikiusap.
mag·da·mág
png |[ Kap Tag mag+ damág ]
:
kabuuan ng gabi, karaniwang mulang ikaanim ng hapon hanggang ikaanim ng umaga : AGPÁ-NAG,
MAG-ÁGA,
MAGBUNTÁG,
MAGDAM-LÁG,
SANLÁBI
mag·da·ra·gát
png |[ mag+da+dagát ]
1:
tao na nagmumula sa dagat ang ikinabubúhay Cf MANGINGISDÁ
2:
tao na naninirahan sa sasakyang-dagat.
mag·da·rá·sal
png |[ mag+da+dasál ]
:
tao na nagpapabayad upang ipagdasal ang ibang tao.
mag·da·ra·yà
png |[ mag+da+dayà ]
:
tao na gumagawâ ng paraan upang makapanaig sa kapuwa sa pamamagitan ng panloloko at panlilinlang.
Magellan, Ferdinand (ma·dyé·lan fér·di·nánd)
png |Kas |[ Ing ]
:
Fernando Magallanes.
ma·géy
png |Bot |[ Ing Esp maguey ]
:
haláman (Agave americana ) na mahimaymay ang katawan at malamán ang dahon, katutubòsa Mexico at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español : AMERICAN ALOE,
MÉSKAL1
ma·gí·lay
png |Bot |[ ma+gilay ]
:
uri ng palma (Livistonia saribus ).
ma·gin·da·náw
png |Bot |[ War ]
:
isa sa malaganap na uri ng abaka.
ma·gíng
pnd |[ Kap Tag ]
:
anyong pawatas ng pandiwa na tumutukoy sa anumang naganap, nagaganap, at magaganap var magín Cf NAGÍGING,
NAGÍNG — pnd ma·gi·gíng,
na·gí·ging,
na·gíng.
má·gi·no·ó
png |[ ma+ginoo ]
1:
tao na magálang, matapat, at may mabuting kalooban : KABALYÉRO2
2:
taguring pamitagan sa isang tao Cf DON
mag-i·sáng-dib·díb
pnd |[ mag-isa+ng-dibdib ]
:
maging mag-asawa.
ma·gis·lán
png |[ Bik ]
:
pagganap sa seremonya ng pagtutuli.
má·git
png |Bot |[ Mag ]
:
baní 2.
mag·ká-
pnl
1:
pambuo ng pangngalan, nagsasaad ng relasyon ng dalawang tao, bagay, at katulad hal mag-kasáma, magkapatid, magkababayan
2:
pambuo ng pangngalang nagsasaad ng relasyon ng mahigit sa dalawang tao o bagay na inuulit ang -ka- na panlapi para magsaad ng maramihang relasyon ng tao, bagay o katulad
3:
pambuo sa pandiwa, nagpapakíta ng katangiang mangyari, maganap, o magkaroon, hal magkabisà, magkaanak Cf NAGKÁ-1
4:
pambuo ng pandiwang nasa kalagayang panghinaharap na inuulit ang pantig na -ka- sa panlapi hal magkakabisà, magkakaanák.
mag·káng-
pnl
:
pambuo ng pandiwa, inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat at nagsasaad ng hindi karaniwang pangyayari sa tauhan na nagiging dahilan upang maging palayón ang pandiwa, hal magkanghuhulog Cf NAGKÁNG-
mag·la·la·kò
png |[ mag+la+lako ]
:
tao na palibot-libot hábang nagtitinda.
mag·la·yás
pnd |[ mag+layás ]
:
umalis at pumunta kahit saan dahil sa tampo, gálit, o hinanakít.
mag·lin·sí
png |Bot |[ ST ]
:
sangíg mula sa ilog.
mág·ma
png |Heo |[ Ing ]
:
malagkit na materyales sa ilalim ng lupa na bumubuo sa lava at igneous rock.
mag·ma·da·lî
pnd |[ mag+ma+dali ]
:
gawin ang isang bagay o kumilos sa pinakamabilis na paraan.
mag·mág
png |[ ST ]
:
sentído komún.
mag·ma·la·kí
pnd |[ mag+ma+laki ]
:
magpahayag o magpakíta ng pagpapahalaga ; ipagparangalan ang isang katangian o pag-aari.
mag·ma·ma·nók
png |[ ST mag+ma+ manok ]
:
tao na may kakayahang magbabalâ ng masamâng maaaring mangyari sa pamamagitan ng ibon, ahas, dagâ, atbp.
mag·ma·ngá·yaw
png |Say
:
uri ng sayaw bago magtúngo sa digma.
magna carta (mág·na kár·ta)
png |Pol Bat |[ Esp Ing Lat ]
1:
legal na garantiya ng mga karapatan at kalayaan
2:
anumang batayang konstitusyon o batas.
magna cum laude (mág·na kum láw·de)
png |[ Ing Lat ]
:
ang pangalawang pinakamataas na karangalan sa pagtatapos sa kolehiyo.
mág·na·ná·kaw
png |[ mag+na+nakaw ]
magnate (mag·ná·te, mag·neyt)
png |[ Esp Ing ]
:
tao na tanyag sa pamamahala ng malalakíng industriya.
magnesium (mag·né·syum)
png |Kem |[ Ing ]
:
magnésyo (atomic number 12, symbol Mg ).
magnesium hydroxide (mag·né·syum hay·drok·sayd)
png |Kem |[ Ing ]
:
isang organikong compound na hydrated Mg (OH2) na karaniwang sangkap sa antacid at laksatiba Cf MILK OF MAGNESIA