ti
ti
png
1:
tawag sa titik T
2:
Mus
ikapitóng nota sa eskalang pangmusika.
tiara (ti·yá·ra)
png |[ Ing ]
1:
palamuting banda o bigkis na may mga hiyas, isinusuot ng mga babae
2:
may tatlong susóng korona ng Papa na isinusuot sa ordinaryong araw
3:
turban na isinusuot ng mga sinaunang hari ng Persiya var tiyára
ti·bá
png |[ ST ]
:
pag-iingat ng mga sisidlan upang magamit sa panahon ng paggawâ ng alak.
ti·bâ
png
1:
pagpútol sa punò ng saging para sa bunga nitó
2:
pagtanggap ng malakíng bayad, pabuya, o panalo.
ti·bá·bal
png
1:
ang natirá matapos ang ani ng mais
3:
Bot
[ST]
langka na may kagandahan at hindi lumalaki
4:
[ST]
katawan na malamán.
ti·bad·bád
png
:
malîng balita o sabí-sabí.
ti·bág
png
1:
2:
Tro
dulang panrelihiyon na nakabatay sa mga kuwento at alamat sa paghahanap ng krus na kinamatayan ni Jesus.
tí·bak
png |Med |[ ST ]
:
pamamaga ng mga binti.
ti·bá·law
png |Bot
:
nakalalason na yerba at ginagamit sa pangingisda.
ti·ba·láy
png |[ ST ]
:
laro gamit ang bilog na piraso ng tisa.
ti·bal·bál
pnr
:
lumuyloy ang tabâ.
ti·bal·bá·lin
pnr |[ ST ]
:
mabigat dahil napakataba.
ti·bal·sík
png
:
tilamsik ng mainit na bagà o dupong.
ti·bal·yáw
png |[ ST ]
:
totoong balita.
ti·ba·ní
png |[ ST ]
1:
panlilinlang gamit ang matatamis na salita at mga pangako
2:
pagpapahayag na totoo kung ano ang hindi naman totoo
3:
ti·ba·rí
png |[ ST ]
1:
panlilinlang gamit ang mga salita na dalawa ang kahulugan : TIBANÍ3
2:
pagsasalita nang napakabilis at hindi naiintindihan.
ti·ba·tíb
png |Med |[ ST ]
:
bulútong na maitim at nakamamatay.
tí·baw
png |Ant |[ ST ]
:
sinaunang salusalong ginagawâ sa ikatlo o sa ikasiyam na araw ng kamatayan ng isang tao ; nagsasama-sama ang mga kaanak at kaibigan ng namatay upang ipagdasal ito.
tí·bay
png
1:
2:
kakayahang makatagal o makatiis sa sakít, dusa, pagod, at iba pa : STRENGTH2
3:
kahigpitan o katigasan na hindi nagbabago o hindi sumusuko sa gitna ng presyon.
Ti·bét
png |Heg
:
mabundok na bansa sa timog ng Asia ; may pinakamataas na elebasyon sa buong mundo.
Ti·bé·tan
png pnr |Ant Heg Lgw
:
hinggil sa Tibet, mga tao, at lengguwahe nitó.
tibia (tíb·ya)
png |[ Ing ]
1:
Ana
panloob at karaniwang malakí sa dalawang butó na humahabà mula tuhod hanggang bukong-bukong
2:
tibiotarsus ng ibon
3:
Zoo
pang-apat na kasukasuan sa binti ng kulisap, at iba pa, sa pagitan ng femur at tarsus.
ti·bíg
png |Bot |[ ST ]
:
ilahas na prutas tulad ng igos.
tibiotarsus (tí·bi·yo·tár·tus)
png |Zoo |[ Ing ]
:
pangunahing butó sa binti ng ibon na magkaayon sa tibia na nása ibabâ at dulong bahagi ng mga butó ng tarsus.
tib·ná·lay
png |[ Tbo ]
:
bahagi ng bahay na karaniwang tinutulugan ng mga dalaga, o ng una o paboritong asawa ng pinunò ng bahay.
ti·bò
png |Zoo
:
matalim at matulis na organ ng ilang kulisap, gaya ng bubuyog o ilang uri ng isda, at ginagamit bílang proteksiyon.
tí·bog
png |[ ST ]
:
pagtakot sa isang hayop upang mapunta ito sa pook na may patibong.
ti·bók
png |pag·ti·bók
1:
ti·bo·lí
png |Bot |[ ST ]
:
malalaking uri ng limon.
Tí·bo·lí
png |Ant
:
pangkating etniko na karaniwang matatagpuan sa Kiamba, Maitum, at Surallah sa lalawigan ng South Cotabato : TAGABÍLI1 var T’boli
tí·bong
pnr
:
tarík o matarík.
ti·búk·hay
png |Bot |[ War ]
:
hindi pa nabalatáng butil ng palay.
ti·bú·lon
png |[ Ilk ]
:
búkong itinatalì nang dalawahan at isinasabit sa tikin.
ti·búng
png |[ Ifu ]
:
bangâ na lalagyan ng alak.
ti·bu·rín
png |[ Esp tilburi ]
:
magaan at may dalawang gulong na karwahe para sa dalawang tao : PLÍTSA
tic (tik)
png |Med |[ Ing ]
:
sa patolohiya, bigla, pasumpong-sumpong, at hindi masakit na kontraksiyon ng masel, karaniwan sa mukha.
tick tack toe (tík tak tów)
png |[ Ing ]
:
simple at pandalawahang laro, halinhinang nagmamarka ng ekis ang isa at bilóg naman ang isa sa siyam na kompartment na binubuo ng dalawang pares na pinagkrus na linya, at panalo ang unang makabuo ng tatlong marka sa isang hilera o diyagonal.
tí·da
pnr |[ Ifu ]
:
dilaw na sinulid.
tidal (táy·dal)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa lakí at káti ng dagat.
ti·da·los·dós
png |[ ST ]
:
pagtatapon paitaas mula sa ibaba.
tide (tayd)
png |Mtr |[ Ing ]
1:
pana-panahong pagtaas at pagbabâ ng dagat dulot ng impluwensiya ng buwan at araw, at nagaganap bawat labindalawang oras ; taog ng dagat
2:
pagpasok at paglabas ng tubig dahil sa mga alon
3:
anumang pagtaas at pagbabâ.
tí·dik
png |Zoo
:
maliit na ibon (Ficedula westermanni ), mahilig manghúli ng lumilipad na kulisap, karaniwang itim ang kulay ng pakpak at likod at dulo ng buntot, at putî ang leeg, dibdib, at tiyan, at may tíla balbas : LITTLE PIED FLYCATCHER
ti·dó·ra
png |[ Mrw ]
:
larong sungkâ ng Mëranaw sa sungkaan na may 16 regular na hukay.
tí·dung
png |Mus |[ Tua-Dus ]
:
ritmo ng kulintang.
tidy (táy·di)
pnr |[ Ing ]
:
malinis at maayos ang gamit, itsura, at iba pa.
tie (tay)
png |[ Ing ]
1:
2:
koneksiyon ng kamag-anakan, samahan, relasyon, negosyo, at iba pa, ng da-lawa o higit na tao, pangkat, bansa, at katulad.
tie (tay)
pnd |[ Ing ]
1:
gumawâ ng talì o buhol, tulad sa sintas ng sapatos, ribbon, at katulad
2:
magpatas o magtablá, karaniwan sa paligsahan
3:
pagsamahin sa pamamagitan ng sakramento ng kasal
4:
higpitán ; ilimita.
tie dye (táy·day)
png |[ Ing ]
tiffany (tí·fa·ní)
png |[ Ing ]
:
tela na manipis at may mga butas, tulad sa kulambo, dáting gawâ sa sutla, ngunit madalas ngayong gawâ sa cotton at sintetikong himaymay.
tig- (tig)
pnl
:
ikinakabit sa bílang, na nagpapahayag kung ilan ang bílang o dami para sa isa sa bawat pang-kat, hal tigalawa, tiglilima.
tíg-a
png |[ Hil Seb ]
:
tigás1– 2
tí·gab
png |[ Kap ]
:
digháy o pagdighay.