tik


tik

png |[ Ing tick ]
:
marahan at paulit-ulit na kaltis ng relo o orasán : TICK2

ti·kà

png
1:
Zoo [Kap Tag] ilahas na ibong may mahahabàng binti at leeg, at may mahabàng tuwid na tuka : TÍNGGAW
2:
Bot mga dahon na tulad ng sa halámang alkatsopas.

ti·kâ

png
:
ikâ o pag-ikâ.

tí·ka

png |pag·ti·tí·ka
1:
matapat na balak o determinasyon sa paggawâ ng isang bagay
2:
mataos na pagsisisi sa kasamaang ginawa : REMORDIMYÉNTO, REMORSE

ti·káb

pnr
:
mahinàng paghingal ng isang malapit nang mamatáy var tigáb Cf HINGALÔ

tí·kad

pnd |[ Kap ]

tí·kag

png |[ Ilk ]

ti·kál

png
:
pagiging pagód dahil sa labis na paglalakad o pagkilos.

tí·kal

png
1:
Bot katutubòng palma (Livistona saribus ), tuwid at umaabot sa 25 m ang taas, nahahawig sa anahaw ang mga dahon ngunit kulay kayumangging pulá na may malakíng mga tinik ang tangkay
2:
Med [Kap] mítig.

ti·kám

png |[ ST ]

ti·káng

png
1:
[ST] pagpapahinga mula sa ginagawâ

tí·kang

png
1:
[ST] paghiwalay o pag-bukás ng hugpong ng mga tabla
2:
[War] simulâ2

ti·káp

png
1:
naghihingalong galaw ng mamamatay nang isda na nása tubig
2:
andap ng liwanag ng ilaw o kandila
3:
mahinàng paghinga ng sinumang malapit nang mamatay.

ti·ka·pó

pnr |[ Bik ]

ti·ka·ról

png |Zoo |[ Seb ]

tí·kas

png
2:
[Gui Bag] angklet na gawâ sa manipis na baging
3:
Bot halámang ugat (Canna indica ) na may risomang ginagamit na pampaihi at pampabawa sa balinguyngoy.

tí·kas-tí·kas

png |Bot |[ ST ]
:
yerba, na ang prutas ay ginagawâng rosaryo.

ti·ka·tík

pnr
1:
Mtr hinggil sa ulan na mahinà ngunit tuloy-tuloy : LANTÓY, LANTUTÁY2
2:
ganitong paraan ng paggawâ.

ti·ka·yà

pnr |Med
:
dahan-dahang gumalíng mula sa sakít o karamdaman : CONVALESCENT, KOMBALISYÉNTE

tik·ba·háw

png |Zoo |[ Seb ]

tik·bá·lang

png |Mit |[ ST ]
:
nilaláng na anyong tao ang katawan at mga kamay ngunit may mahahabàng binti at hita na kahawig ng sa kabayo : DUGÁNG1 var tigbalang Cf KAPRE

tik·bá·way

png |Lit Mus |[ Ilk ]
:
kantáng paulit-ulit hábang nagbabayo ng palay.

tik·bí

png |Zoo
:
uri ng flowerpecker (Dicaeum trigonostigma ) na itim o abuhin ang pang-itaas na bahagi at dilaw o dalandan ang pang-ibabâng bahagi ng katawan.

tik·dó

png |[ Kap ]

ti·kél

png |[ Pan ]

ti·kéy

png |[ Pan ]

tik·hô

png |Med
:
ubo ng isang may sakít na tisis.

ti·kî

png |Zoo |[ Hil Seb ]

ti·kím

png
1:
pagtiyak ng lasa ng anumang pagkain : TAWÁY2, TAKMÁN, TILÁW
2:
pagsubok sa gawain : TA-WÁY2, TAKMÁN, TILÁW — pnd i·ti·kím, tik·mán, tu·mi·kím.

ti·kín

png
1:
mahabàng kawayan o anumang katulad na ginagamit sa pagbubunsod ng bangka mula sa mababaw na bahagi ng tubigan : POLE2, TAKKÁN, TOKÓN — pnd i·pan· ti·kín, i·ti·kín, mag·ti·kín
2:
maha-bàng kahoy na panungkit ng prutas : POLE2 — pnd i·pan·ti·kín, ti·ki·nín.

tí·king

png |[ Ifu ]

ti·kís

pnr
:
sadyâ1 o sinadyâ.

ti·kís-ti·kís

png |Bot |[ ST ]
:
punongkahoy na katulad ng punò ng oliba.

tí·ki·tí·ki

png
1:
Med [ST] katas mula sa darak ng palay ; sustansiyang nakukuha sa pinawa at gamot sa beriberi
2:
Zoo [Seb] kaláso.

ti·kíw

png |Bot

tí·kiw-ti·kí·wan

png |Bot |[ ST ]
:
yerba na ginagawâng palamuti sa mga simbahan.

tik·lád

png |[ Seb ]
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, unang tagumpay sa pag-ibig o digmaan Cf TÍGMA

tik·la·ób

png |[ ST ]
:
anyo ng bibig na nalulungkot.

tik·láp

pnr

tik·láy

pnd |tik·la·yín, tu·mik·láy
:
humakbang sa magkakahiwalay na bató kung tumatawid sa putikan o matubig na daan.

tik·líng

png |Zoo
:
ibon (Gallirallus striatus ) na may maikling pakpak, manipis na katawan, mahabàng binti, mahahabàng daliri sa paa, at mahilig tumirá sa tubigan : ÁGATSÓNA1, SIKLÍNG2, TALÁOD

tik·lís

png |[ Kap Pan Tag ]
:
basket na malakí ang bibig, maluwang ang pagkalála, at may pares ng taingang hawakan : KAYYABÁNG

tik·lô

pnr
:
nahúli, gaya sa natiklo ng mga pulis.

tik·lóp

png
:
pagtutupi sa isang bagay upang magkaroon ng higit na maliit na anyo para sa pagsasaayos, pagsasalansan, pagdadalá, at katulad na layunin.

tik·lóp

pnr

tik·lu·hód

png
:
nakaluhod na pakikiusap na mapatawad o makahingi ng pabor.

tik·lú·pang-tú·hod

png |Ana |[ tiklóp+ an +ng+túhod ]

tik·mâ

png
2:
kasunduang magkíta
3:
uka sa punò ng palma upang maakyat ito.

tik·mán

pnd
:
tinipil na anyo ng tikiman.

tik·mò

pnd |[ Bik ]

tik·mór

pnr |[ Pan ]

ti·kó

png |Zoo
:
ibong kapamilya ng tiklíng (Porzana cinerea ) : CRAKE, TIGHÍK

ti·kó

pnr |[ ST ]

ti·kô

png |[ War ]
:
maliit na palayok.

ti·kô

pnr |[ Hil Tag ]

ti·kód

png
2:
Ana [Seb War] sákong.

ti·kó·len

png |[ Mrw ]

ti·kóm

pnr
:
nakasará, gaya ng nakatikom na bibig o bulaklak var ikóm

tí·kong

png |Zoo |[ Seb ]

tí·kop

png

ti·kó·ro

png |[ Mrw ]

tí·koy

png |[ Chi ]
:
kakaning gawâ sa malagkit na bigas, at bilóg, parisukat, o parihabâ ang hugis, karaniwang inihahanda sa Bagong Taon ng mga Chino.

tík-tak

png
:
tunog ng orasan : TIKTÍK3

tik·tík

png
1:
Zoo [Hil Tag War] uri ng ibon na sinasabing ang huni ay nagbabadya o nagpapahiwatig na may aswang sa paligid
2:
[Kap Tag] pagkaubos hanggang sa hulíng pa-tak
4:
tao na sumusubaybay sa ginagawâ ng iba : BATIYÁW, BATYÁW2, DETÉKTIB, ESPÍYA, ÍMPORMÁNTE2, PAKAWALÂ2, SLEUTH, SNOOPER, SPY, UNDERCOVER
5:
tao, karaniwang pulis, na nag-iimbestiga sa mga naganap na krimen, kumukuha ng mga impormasyon, at iba pa : AGENT3, DETÉKTIB, SECRET AGENT, SEKRÉTA

tik·tík

pnd |i·tik·tík, ma·tik·tík, tu· mik·tík |[ ST ]
1:
ibaón nang mabuti ang isang bagay sa lupa
2:
masadlak ang sasakyang-dagat sa putik o buhangin
3:
Sumuot ang sakít sa mga butó.

tik·tík

pnr |[ ST ]

tik·tí·ko

png |Zoo |[ ST ]
:
laláking pugo.

tik·tik·ró·bong

png |Zoo |[ Seb ]
:
uri ng pipit-kúgon (Cisticola juncidis ) na maruming putî ang tiyan : PURÍT2

tí·kud·tí·kud

png |Ana |[ Tau ]

ti·kúl

pnr |[ Kap ]

tik·wás

pnr
1:
nakataas ang isang dulo ng bagay na mahabâ : LIKWÁT, TUWÁS1
2:
mababà ang gawing likod, gaya ng tikwas na karitela dahil sa bigat ng karga : LIKWÁT, TUWÁS1 — pnd i·tik·wás, mag·tik· wás, tu·mik·wás.

tik·wí

png |Zoo |[ ST ]
:
ibong mandaragit.

tik·wíl

pnd |[ ST ]
:
sinaktan gamit ang síko.