aka


aka (ey·key·ey)

daglat |[ Ing also known as ]
:
kilalá rin bílang Cf ÁLYAS

A·ká!

pdd |[ ST ]

á·ka

png |[ ST ]

á·ka

pnd |a·ká·hin, mag-á·ka |[ Hil ]
:
akitin sa kalidad at halaga ng paninda.

á·kab

png
1:
paraan ng pagtanggal ng hangin sa lamán sa pamamagitan ng bentósa
2:
kalagayan ng pagiging lápat
3:
Kar uka sa gilid ng kahoy Cf AÁB, ÁK-AK, KÚTAB, ÚKIT
4:
bútas o siwang sa tagiliran, gaya ng sa sasakyang-dagat
5:
tibág sa isang malakíng bató o sa pasigan ng isang ilog — pnd a·ka·bán, a·ka·bín, mag-a·káb
6:
[Seb] ngatngát var ákhab

a·ká·ba

png |[ Ilk ]

a·ka·dé·mi·kó

png |[ Esp academica ]
:
guro o iskolar sa isang unibersidad o institusyon para sa mas mataas na edukasyon : ACADEMIC, ACADEMICIAN

a·ka·dé·mi·kó

pnr |[ Esp academica ]
1:
hinggil sa edukasyon at iskolarsip : ACADEMIC
2:
hinggil sa akademya : ACADEMIC
3:
sa isang institusyon o pag-aaral, nagbibigay ng higit ng pagpapahalaga sa pagbabasá at pag-aaral kaysa teknikal o praktikal na gawain : ACADEMIC
4:
sa tao, may malalim na interes o nagpapamalas ng kahusayan sa mga gawaing pang-edukasyon : ACADEMIC
5:
sa likhang-sining, kumbensiyonal, lalo na sa paraang ideal o labis na pormal : ACADEMIC, PORMÁL4

a·ka·dém·ya

png |[ Esp academia ]
1:
pook para sa pag-aaral o pagsasanay sa isang espesyal na larang : ACADEMY
2:
lipunan o institusyon ng mga kilaláng iskolar, artist, o siyentista na naglalayong palaganapin at panatilihin ang pamantayan sa isang tiyak na larangan : ACADEMY

á·kag

png |Zoo |[ Iba ]

ak-ák

png
1:
[ST] palakihin sa pilit ang halaman o pahinugin sa pilit ang prutas
2:
huni ng uwak.

ák-ak

png
1:
[ST] putók o malakíng biyak sa haligi o poste
2:
[ST] kumuha ng kamoteng kulang pa sa panahon
3:
[Seb] langitngit ng binibiyak na buhô o kawayan
4:
Med [Ilk] bosyò.

ak-ak·ló

png |Ana |[ Ilk ]

a·ka·ku·ra·yát

pnd |[ Pan ]
:
magtiyád o tumiyad.

á·kal

png
1:
[ST] pagguhò ng lupa Cf AGNÁS1, LUGSÔ1
2:
[ST] pagiging walang pitagan
3:
[ST] alimpuyo ng tubig
4:
[Mrw] bálak1

a·ka·là

png |[ Kap Tag ]
2:
paniwala1 o paniniwalá
3:
sapantahà1 var anakála — pnd a·ka·lá·in, i·na·ka·là, mag-a·ka·là.

a·ká·la

png |[ ST ]
:
pagtantiya sa anumang bagay.

a·kán

png |[ ST ]

a·kan·ti·lá·do

pnr |[ Esp acantilado ]
2:
sobra ang tulis.

á·kap

png
:
varyant ng yákap.

a·ká·pa·rá·an

pnr |[ Pan ]

a·ka·pa·rá·do

pnr |[ Esp acaparado ]

a·ka·púl·ko

png |Bot |[ Esp acapulco ]
:
maliit na palumpong (Cassia alata ) na mahabà ang dahong pabilóg sa dulo at dilaw ang bulaklak, katutubò sa tropikong America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español : BÍKAS-BÍKAS

a·ka·pung·láy

png |[ Pan ]

á·kar

pnd |i·á·kar, mag-á·kar |[ ST ]
:
takutin at itaboy kung gabi ang baboy-damo nang walang áso.

a·kás

png |[ Kal ]

á·kas

pnd |a·ká·sin, i·á·kas, mag-á·kas Med |[ ST ]
:
magpagalíng sa sakít at karamdaman.

a·ka·sa·ngí

png |[ Pan ]
:
ngangá o pagngangá.

A·ká·si

png |Mit
:
varyant ng Agási.

a·kás·ya

png |Bot |[ Esp acacia ]
:
malaki at leguminosang punongkahoy (Samanea saman ) na 25 m ang taas, may bulaklak na pink, katutubò sa Gitnang America at West Indies : ACACIA, ANINÁPLA, LÁNGIL1, RAIN TREE

a·kát

png |Agr
:
paglilipat ng mga punla o tanim sa ibang pook Cf TRÁNSPLANT1 — pnd a·ka·tán, a·ka·tín, mag-a·kát.

á·kat

png
1:
[ST] paglilipat ng anuman
2:
[ST] Sa Batangas, pagtangay ng bahâ sa bagay na nása tabí ng ilog
3:
Ana [Ilk] kábil.

a·ka·tá

png |[ Esp acatar ]
:
asikáso var akatar — pnd a·ka·ta·hín, i·a·ka·tá, u·ma·ka·tá.

a·ka·ú·na

pnr |[ Pan ]

a·káwnt

png |[ Ing account ]
1:
paraan ng kuwento o paglalarawan ng isang pangyayari
2:
Kom sistema ng pagdedeposito o paglalabas ng salapi sa bangko
3:
listáhan ng pinagkagastusan.

a·káwn·tant

png |Kom |[ Ing accountant ]
:
propesyonal na tagapag-ingat o tagabusisi ng mga account.

a·káwn·ting

png |Kom |[ Ing accounting ]
:
sining o kakayahang mag-ingat o magbusisi ng mga account.

á·kay

png
1:
pamamatnubay o pag-alalay sa paglalakad ng isang tao — pnd a·ká·yin, mag-á·kay, u·má·kay
2:
sinumang inaalalayan o pinapatnubayan
3:
[ST] pag-aalaga sa mga sisiw o inakay
4:
Zoo [Iba] dagâ.

á·kay

pnr
:
ginabayan ng kamay.