aha!


A·há!

pdd
:
pahayag ng biglang pagkaalala o pagkaisip sa isang bagay : AKÁ!

a·hà

png |[ ST ]

a·hâ

pnd |i·a·hâ, mag-a·hâ |[ Hil ]
:
humiling upang magkaroon ng isang bagay.

á·ha

png |Zoo |[ ST ]

Á·hab

png
:
sa Bibliya, hari ng Israel noong mga 874–853 B C, at asawa ni Jezebel.

a·háng

pnd |mag-a·háng, u·ma·háng |[ ST War ]
:
maghambog ; magmapuri.

á·hang

png |[ Hil ]
:
tápang1 ; lakas ng loob.

á·has

pnr

á·has

png
1:
Zoo reptil (suborder Ophidia ) na walang paa, madulas, at may makamandag na pangil : ÁHA, ALIPANGYÁN, HÁLAS2, MÁN-OG, OLÉD, OLÉG, SERPIYÉNTE1, SNAKE
2:
Med sakít sa balát.

áhas-buhángin

png |Zoo |[ Tag ahas+buhangin ]
:
ahas na naninirahan sa buhanginan.

áhas-dágat

png |Zoo |[ Tag ahas+dagat ]
:
makamandag na ahas na naninirahan sa tubig-alat.

áhas-na-bitín

png |Zoo |[ Tag ahas+bitin ]
:
ahas na naninirahan sa sanga ng punongkahoy.

áhas-na-tulóg

png |Zoo |[ Tag ahas+tulog ]
:
maliit na ahas, walang kamandag, at malimit nagtatago sa loob ng bahay.

áhas-túbig

png |Zoo |[ Tag ahas+tubig ]
:
ahas na naninirahan sa tubig-tabang.

a·hát

pnr
:
wala pa sa panahon ; murà pa : ATÁS

á·hat

pnr |[ ST ]

á·haw

png |[ Hil ]
:
pagpapahayag ng pighati at awa.