apo


a·pó

png |[ Hil Pan Seb Tag War ]
:
anak ng anak o ng pamangkin : AFÚ, AFÚT, APÔ, APÚ, GRANDCHILD, INAPÚ, MAKUÁPO

a·pò

pnr |[ War ]

a·pò

png |[ Ilk Tag ]
1:
lólo ; lóla
3:
ninuno1 kanunô-nunùan.

a·pô

png |[ Tau ]

á·po

png
1:
[Ilk] ginoó ; o tawag pamitagan sa matandang laláki
2:
[Ilk Iva] panginoón1
3:
[ST] handog o paghaplos nang may pagmamahal.

Apocalypse (a·po·ka·líps)

png |[ Ing ]

Apocrypha (a·pók·ri·fá)

png |[ Ing ]

a·pód

pnd |a·po·rín, u·ma·pód |[ Bik ]

a·po·de·rá·do

png |[ Esp ]

a·po·dík·ti·kó

pnr |[ Esp apodíctico ]
1:
maliwanag na napatunayan
2:
malinaw na nagpapakíta o nagpapatunay na totoo.

a·pó·do

pnr |[ Esp ]
:
walang paá.

á·po·dó

png |[ Esp ]

a·pó·do·sís

png |Gra |[ Esp ]
:
pangunahing sugnay ng isang may pasubaling pangungusap.

á·pog

png |[ Hil Ilk Mrw Seb Tag War ]
1:
Kem maputîng abó o gabok ng mga sinunog na kabíbe, lukan, halaan, at kauri na ginagamit sa pagsesemento o paglalapat at pagdidikit-dikit ng mga batóng silyar ng mga pader o bakod : AMÉD, APÌ1, BANGKÍT2, KAL, LIME2, PIRALÎ, PUTÎ2
2:
pinong kauri nitó na isinasáma ng matatandâ sa kanilang ngangà o inilalagay sa tubig na pinagbababáran ng mga kamyas, kundol, kalabasa, at katulad : AMÉD, BANGKÍT2, LIME2, PIRALÎ, PUTÎ2 — pnr ma·á·pog. — pnd a·pú·gan, mag-á·pog

apogee (á·po·dyí)

png |[ Ing ]
1:
Asn punto sa orbit ng isang lawas pangkalawakan, tulad ng buwan, na pinakamalayò sa mundo : APOHEÓ
2:
Heo pinakamalayò o pinakamataas na pook : APOHEÓ Cf PERIGEE

a·pó·he·ó

png |[ Esp apogeo ]

a·pó jin

png |[ Baj ]
:
mga kaluluwa.

a·pók

png |[ ST ]
:
pagkakalat sa hangin ng maliliit na bagay, tulad ng alikabok, mga butil, at iba pa.

A·po·ka·líp·sis

png |[ Esp Apocalipsis ]
:
sa Bibliya, isa sa mga kasulatang Jew at Kristiyano na hitik sa pananagisag at mga pangitáin hinggil sa katapusan ng mundo : APOCALYPSE

a·po·ka·líp·ti·ko

pnr |[ Esp apocalíptico ]
1:
may kaugnayan sa Apokalipsis
2:
nagbabalâ ng katapusan ng mundo : PROPÉTIKÓ2
3:
humuhula sa nalalapit na kapahamakan.

a·pó·ko·pé

png |Lgw Lit |[ Esp apócope ]
:
pagkawala o omisyon ng hulíng titik, pantig, o bahagi ng salita Cf PUNGÓS

a·pó·kri·pó

pnr |[ Esp apócrifo ]
:
may kaugnayan sa Apokripos.

A·pó·kri·pós

png |[ Esp apócrifo+s ]
:
pangkat ng labing-apat na aklat na hindi kanónikó at kabílang sa Septuagint at Vulgata ; bahagi ng Lumang Tipan : APOCRYPHA

á·pol

png
1:
[Seb] kimpál
2:
Med [War] namuong dugo.

a·po·lí·ti·kál

pnr |Pol |[ Ing apolitical ]
:
hindi interesado o walang kinaláman sa politika.

Apollo (a·pó·low)

png |[ Ing ]
1:
Mit Apólo
2:
Mek isa sa mga serye ng sasakyang pangkalawakan ng Estados Unidos na idinisenyo upang marating ng mga astronaut ang buwan.

A·pó·lo

png |[ Esp ]
1:
Mit sinaunang bathalang Greek at Romano na pinaniniwalaang diyos ng liwanag, musika, tula, at iba pa ; anak ni Leto at kapatid ni Artemis : APOLLO1
2:
napakagandang laláki : APOLLO1

apology (a·pó·lo·dyí)

png |[ Ing ]

a·po·lo·hé·ti·kó

pnr |[ Esp apologético ]
:
nanghihingi ng paumanhin.

a·po·lo·hís·ta

png |[ Esp apologista ]
:
tao na humihingi ng paumanhin o nagtatanggol sa iba.

a·po·lo·hí·ya

png |[ Esp apología ]
1:
paghingi ng paumanhin : APOLOGY, DESKÁRGO
2:
paliwanag sa pagkaka-mali o depensa laban sa tuligsa : APOLOGY, DESKÁRGO

A·po·lón

png |Mit

A·pol·rá·ya

png |Mit |[ Man ]
:
kataas-taasang bathalang lumikha sa mga Mangyan.

apomixis (a·po·mík·sis)

png |Bio |[ Ing ]
:
reproduksiyong aseksuwal.

a·pó·ngol

png |Bot |[ Pan ]

A·po·ni·bo·li·ná·yen

png |Mit |[ Tin ]
:
magandang dilag na asawa ni Init-Init at anak ng makapangyarihang pinunòng Tinggian.

A·pó·ni·tó·law

png |[ Tin ]
:
diyos at bayani ng mga Tinggian.

a·pó·on

png |[ Bik ]

a·po·ple·hí·ya

png |[ Esp apoplejía ]

a·po·plé·ti·kó

pnr |Med |[ Esp apoplético ]
:
may kaugnayan sa apoplexy.

apoplexy (a·po·plék·si)

png |Med |[ Ing ]
1:
pagkawala ng málay sanhi ng paghinto ng daloy ng dugo sa utak, karaniwang dahil sa atake sa puso : APOPLEHÍYA, ISTRÓK2
2:
Kol hugos ng matinding emosyon, gaya ng gálit : APOPLEHÍYA

a·po·rí·a

png |[ Gri ]
1:
sa retorika, pahayag ng pag-aalinlangan dahil hindi alam kung ano ang sasabihin o kung saan magsisimula
2:
Pil isang mahirap lutasing kontradiksiyon sa lohika ng isang teksto o argumento.

a·po·rísmo

png |Lit |[ Esp aforismo ]
1:
maikli at makabuluhang kawikaan
2:
maikling pahayag ng prinsipyo.

a·po·rís·ta

png |[ Esp aforista ]
:
sa Ilocos, tao na naatasang maging aforador.

a·po·rís·ti·kó

pnr |[ Esp aforístico ]
:
tumutukoy sa o naglalamán ng aporísmo.

a·pó·ro

png |[ Esp aforro ]
:
kahoy, metal, at kauri na ginagamit pampatigas, hal makapal o matigas na tela na ipinapaloob sa amerikana o manggas ng kamisadentro : DÁTIG2, SUSÓN2

a·por·tu·ná·do

pnr |[ Esp afortunado ]

a·pós

png |Med |[ Bik ]

a·po·sá·pos

png |Med |[ Mrw ]

a·po·sén·to

png |[ Esp ]
:
silid na páupáhan Cf APÁRTMENT

a·po·sis·yón

png |Gra |[ Esp aposicion ]
:
ang ugnayan ng dalawa o mahigit pang salita at parirala na kapuwa tumutukoy sa iisang pangngalan : APPOSITION

a·pós·ta·sí

png |[ Ing apostasy ]

a·pos·ta·sí·ya

png |[ Esp apostasía ]
:
ang pagwawaksi o pagtatakwil ng isang paniwalang panrelihiyon o pampolitika : APÓSTASÍ

aposteriori (a·pós·tir·ór·i)

pnb |[ Lat “mula sa likuran” ]
1:
Bat mula sa partikular na pangyayari túngo sa pangkalahatang prinsipyo o batas ; batay sa aktuwal na obserbasyon o pagkaraan ng isang eksperimento
2:
Pil hindi umiiral sa isip bago at bukod sa karanasan Cf A PRIORI

a·pos·tól

png |[ Esp ]
1:
sa Ebanghelyo, isa sa labindalawang pangunahing disipulo ni Cristo
2:
unang matagumpay na Kristiyanong misyonero sa isang bansa o sambayanan
3:
pinunò o namumukod tanging personahe, lalo na ng isang kilusan sa reporma
4:
mensahero o kinatawan, a·pos·to·lés kung maramihan.

a·pos·to·lá·do

png |[ Esp ]
1:
awtoridad ng Papa bílang pinunòng apostoliko ; samahán ng mga légong deboto sa misyon ng simbahang Katolika : GAWALAGÁD
2:
posisyon o kapangyarihan ng apostol ; pamumunò ng reporma : GAWALAGÁD

a·pos·tó·li·kó

pnr |[ Esp apostólico ]
1:
tumutukoy sa labindalawang apostol
2:
tumutukoy sa Papa na itinatangi bílang kahalili ni San Pedro.

a·pós·tro·pé

png |[ Esp apóstrofe ]
1:
Lit pagtawag sa isang tao na wala sa tagpo o patáy na ; o ang pagbibigay ng katangiang pantao sa kinakausap na bagay o bahagi ng kalikasan : PANAWÁGAN2
2:

a·pót

pnr |[ War ]

a·po·tég·ma

png |Lit |[ Esp ]
:
maikli at makahulugang kasabihan o kawikaan, nahahawig sa isang aporismo.

a·po·te·ká·ri

png |[ Ing apothecary ]
:
kimiko na lisensiyadong magreseta ng gamot at droga.

a·po·te·ó·sis

png |[ Esp ]
1:
pag-aangat sa kabanalan ; pagtuturing na banal : APOTHEOSIS
2:
pagsamba sa isang bagay ; isang kahanga hangang halimbawa : APOTHEOSIS
3:
sinasambang huwaran o uliran : APOTHEOSIS

apotheosis (a·po·ti·ó·sis)

|[ Ing ]

a·póy

png
1:
kombustiyong dulot ng paghahalòng kemikal ng mga substance at ng oxygen mula sa hangin at karaniwang nagbubunga ng init, liwanag, at usok : APÎ, FIRE1, IPÓY, KALÁY1, KALÁYO2, PUWÉGO
2:
isa sa apat na elemento sa sinaunang pilosopiya at astrolohiya : APÎ, FIRE1, IPÓY, KALÁY1, KALÁYO2, PUWÉGO
3:
[Igo] pag-aalay ng manok para sa bukid
4:
[War] lólo ; lóla.

a·póy-a·pú·yan

png |Bot |[ apoy-apoy+an ]

a·póynt

pnd |i·na·poynt, mag-a· póynt |[ Ing appoint ]
:
hirangin o humirang.

a·póynt·ment

png |[ Ing appointment ]
:
hirang4 o paghírang.

a·pó·yo

png |[ Esp ]