tan
tan
png |[ Ing ]
1:
proseso ng paggawâ ng katad mula sa balát, karaniwan sa pamamagitan ng pagbabábad sa tubig na may halòng mga balát ng oak, at iba pang sangkap
2:
kayumangging kulay ng balát, dulot ng pagkabilad sa araw
3:
manilaw-nilaw na kape o kayumanggi.
ta·ná
png |[ ST ]
:
paglalagay ng langis sa kilay.
tá·na
pnr |[ Ilk ]
:
nababagay sa okasyon.
ta·ná·bug
png |Bot |[ Ilk ]
:
umuusbong na sanga ng punò o palumpong.
tan-ág
png |Bot
:
maliit hanggang malaki-laking punongkahoy (Kleinhovia hospita ) na may bulaklak na nakakumpol at mapusyaw na pulá ang talulot : GUEST TREE
ta·na·gà
png |Lit
:
sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog, binubuo ng apat na taludtod na tugmaan, may sukat na pitóng pantig ang bawat taludtod, at nagpapahayag ng isang buong diwa.
ta·nák
png |[ ST ]
1:
pagsasangag ng kaning kulay berde
2:
uri ng punongkahoy na nakalalason.
tá·nak
pnr |[ ST ]
:
purong-puro o napakadalisay.
ta·ná·kal
png
:
sinaunang paraan ng pagsusuri at pag-alam sa sanhi ng karamdaman o sakít sa pamamagitan ng isang itlog.
ta·nak·ták
png |[ ST ]
:
mga salita na dahil hindi na kailangan ay nakaiinis pakinggan.
ta·na·mí·tim
png |[ Ilk ]
:
pagkausap sa sarili.
tá·nan
png
1:
pag·tá·nan, pag·ta·tá· nan pagtakas kasáma ng kasintahan, karaniwan upang lihim na magpa-kasal : PAGTATÁKAS2,
PUSITÁRA,
TÁBAN3
2:
3:
Kar
[Kap]
tahílan1
ta·náp
png
:
kainaman ng lasa o temperatura.
tá·nas
pnr |[ ST ]
:
magastado dahil sa kagagamit.
tá·nat
png |[ ST ]
1:
pagbanat ng isang bagay sa pamamagitan ng pagpapanipis dito
2:
pagpatag sa umbok
3:
paggilgil sa pamamagitan ng paet upang maipasok ang kalang magastado.
ta·náw
png
1:
inaasahang kasiyahan o bentaha sa hinaharap
2:
anumang maaabot ng paningin.
ta·ná·wa
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng malaking punongkahoy.
ta·ná·wan
png |[ tanáw+an ]
:
pook na itinakdang sentinela.
ta·ná·win
png |[ tanáw+in ]
1:
mga tao o bagay na natatanaw
2:
likás na kagandahan ng isang pook Cf PAISÁHE
tan ·dâ
png
1:
2:
3:
pagsasaulo o anumang pagsisikap na hindi malimutan ang isang bagay
4:
pag-alaala o pagsisikap na ibalik sa isip at gunita ang isang bagay na nakalipas.
tan·dâ
pnr
:
pinaikling matanda, lalo na kapag ikinabit sa pangalan ng tinutukoy na tao hal Tandang Sora Cf DÂ2
tán·da
png |[ Esp ]
1:
pagbabago o paglilipat ng gawain, gaya ng pag-iiba ng mga gawaing nakatoka sa mga manggagawa Cf TÚRNO
2:
ang habà ng panahon sa paggawâ ng nakatakdang gawain.
Tan·dág
png |Heg
:
kabesera ng Surigao del Sur.
tan·da·kíl
pnr |[ ST ]
:
sapád ang ulo.
tan·dan·dúk
png |Bot |[ Igo ]
:
yerba (Solidago virgaurea ) na 90 sm ang taas at may sanga-sangang pumpon ng maliliit at dilaw na bulaklak : GOLDEN ROD
tan·dáng
png |Zoo
1:
Tandang Basio Macunat (tan·dâng bás·yo ma·kú·nat)
png |Lit
:
pamagat ng isang aklat na sinulat ni Fray Miguel Lucio Bustamante at may di-waing laban sa pagsulong at edukasyon ng mga Filipino.
tan·dâng pa·dam·dám
png |Gra |[ tandâ +ng pa+damdam ]
:
bantas (!) na ginagamit sa pangungusap na padamdam hal Ay nahulog! : EXCLAMATION POINT,
INTERJECTION2,
PADAMDÁM2
tan·dâng pa·na·nóng
png |Gra |[ tandâ +ng pang+tanóng ]
:
bantas na pananong (?) : PANANONG2,
QUESTION MARK
Tan·dâng Sé·lo
png |Lit
:
sa El Filibusterismo, ama ni Kabesang Tales.
Tan·dâng Só·ra
png |Kas
:
tawag kay Melchora Aquino.
tan·da·yág
pnr |[ ST ]
:
matigas at hindi nababaluktot.
Tan·dá·yag
png
1:
Zoo
sa maliit na titik, balyéna
2:
Mit
[Bik]
isang malakíng ahas.
tan·da·yák
png |[ ST ]
:
damit na maganda ang kulay.
tan·dá·yan
png |[ ST ]
:
baskagang ginagamit sa paghábi ng tela.
tán·dem
png |[ Ing ]
1:
bisikleta na may dalawang sakay na kapuwa pumípedal
2:
dalawang tao, mákiná, at iba pa na magkatulong.
tan·dí·kan
png |Zoo |[ Pal Tbw ]
:
paboreal (Polyplectron emphanum ) na matatagpuan sa kagubatan ng Palawan, matingkad na asul na may mapusyaw na kulay pilak ang buntot, may putîng guhit sa ibabaw ng matá na umaabot sa likod ng leeg, mahabà ang mga paa at ang magkabilâng binti ay may tahid na matutulis.
tan·dí·ngan
png |[ Mrw ]
:
pamamalakad ng pamahalaan.
tan·di·píl
png |[ ST ]
1:
katamtamang habà ng buhok : TANDAPÍL
2:
mala-pad ang noo at matulis ang ulo : TANDAPÍL
tan·dís
png |[ ST ]
1:
maayos na pagkakalagay ng isang bagay
2:
ginagamit ding patalinghaga para sa pahayag o kilos para magbigay ng patibay.
tan·dó
png |[ Kap ]
:
dúngaw o pagdungaw.
tan·dós
png
1:
sandatang yarì sa mahabàng tagdan at may tulis sa dulo na yarí sa asero
2:
sibat1 var tandús
Tan·du·lá·nen
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Tagbanwa.
ta·ngà
png
1:
Zoo
panggabing kulisap (order Lepidoptera ) na kahawig ng paruparo at gamugamo, karaniwang namamahay sa damit na hindi ginagamit : CLOTHES MOTH,
POLÍLYA
2:
3:
[ST]
sinaunang pagbabawal na may katumbas na parusa
4:
[ST]
ibigay ang salita at tupdin ang isang bagay
5:
[ST]
kasunduan ng pagbabayad.
ta·ngà
pnd
1:
pagbabawal o hindi pagbibigay ng pahintulot
2:
pangangako at pagtupad sa ipinangako.
tá·ngab
png
1:
Bot
[ST]
uri ng bigas na malagkit
2:
[ST]
pagpútol nang pahilis
3:
malalim na bahagi ng ilog na malayò sa pampang
4:
bumbong na bukás ang kabilâng dulo at tinabásan nang pahilis upang maging pansalok.
tá·ngad
png
1:
patuloy na daloy ng hangin o tubig
2:
gitnang bahagi ng bukal na malinaw at dalisay ang tubig
3:
[Bik]
sa sinaunang lipunang Bikol, gamit na panghulma sa bungo ng mga batàng bagong sílang
4:
[Bik Ilk]
tingalâ.
ta·ng-ák
png |[ ST ]
:
ang ulo ng trumpo, o ang hawakán ng espada.
ta·ngál
png |[ ST ]
1:
Bot
uri ng balát ng punongkahoy na may kulay at ginagamit upang magpagúlang ng alak
2:
Zoo
uri ng isda na pula ang kulay.
tá·ngan-tá·ngan
png |Bot
ta·ngár
png |[ ST ]
:
pagsakay sa malaking sasakyang-dagat na nása laot.
tá·ngar
png |[ ST ]
:
bukal na nalikha sa gitna ng ilog.
tá·ngas
png |[ ST ]
:
pagtanggi sa kagustuhan ng iba, lalo na dahil sa yabang.
ta·ngá·ta·ngá
png |[ ST ]
:
hagdan na mahabà at makitid.
tang·bár
png |[ ST ]
:
pagpunta sa malayo, o pagdadala ng isang bagay sa malayo.
táng·baw
png |[ Ilk ]
:
katawan ng araro o kabyawan.
tangent (tán·dyent)
png |Mat |[ Ing ]
1:
sa heometriya, linya o plane na dumadaiti sa isang point ng kurba o rabaw kayâ higit na malapit ito sa kurbang karatig ng point kaysa anumang linya o plane na pinaraan sa point
2:
sa trigonometriya, ang ratio ng mga gilid, maliban sa hypotenuse, na kasalungat at karatig sa isang anggulo ng isang tatsulok na may right angle.
tangential (tan·dyén·syal)
pnr |[ Ing ]
1:
ukol sa o tíla tangent
2:
iginuhit bílang isang tangent
3:
bahagyang sumasagi sa isang paksa.
táng·ga
png |[ Bik Hil Iba Ilk Iva Kap Pan Tag War ]
tang·gál
png |pag·ta·tang·gál |[ Bik Hil Kap Tag War ]
1:
2:
tiwalag o pagtitiwalag.