lá•pu•lá•pu : isdang-alat (family Serranidae subfamily Epinephelinae) na may 73 specie sa Filipinas, iba-iba ang laki mula sa maliit hanggang napakalaki, iba-iba ang anyo at kulay, at itinuturing na mámaháling pagkain
Lá•pu•lá•pu : magiting na mandirigma at pinunò ng Mactan at kauna-unahang Filipino na lumaban sa pananakop ng mga Espanyol.
lá•pu•lá•pung lig•líg : malaki-laking uri ng lapulapu (Epinephelus merra) na may maputî-putîng katawan ngunit tadtad sa mgg maiitim na bátik