X, x

png |[ Ing ]
1:
ang ikadalawampu’t anim na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na eks
2:
ikadalawampuít anim sa pagkakasunod-sunod o serye
3:
ikasampu sa pamilang na Romano
4:
nakasulat o nakalimbag na representasyon ng titik X o x
5:
tipo, gaya ng sa printer, upang magaw ‚ ang titik X o x.

x (eks)

symbol
1:
Mat ang unang di-kilálang kantidad ; o ang unang coordinate
2:
simbolo para sa multiplikasyon o pagpaparami
3:
panandang ginagamit sa pagitan ng mga pigura na nagsasaad ng dimensiyon
4:
sa pagsusulit, simbolong ginagamit na pananda sa malî
5:
sa pelikula, klasipikasyon o simbolo para sa mga manonood na tigulang l·mang
6:
lagda ng hindi marunong sa dokumentong opisyal.

x-aksis

png |Mat |[ Ing x-axis ]
:
aksis na pahalang sa set ng sistema ng coordinate, graph, at katulad.

xanthic (zán·tik)

pnr |[ Ing ]

xanthic acid (zán·tik á·sid)

png |Kem |[ Ing ]
:
organikong asido na nagtataglay ng pangkat na OCS2 H.

Xanthippe (zan·ti·pé)

png |[ Gri ]
:
asawa ni Socrates.

xanthoma (zan·tó·ma)

png |Med |[ Gri ]
1:
paninilaw ng balát ng maysakít at pagkakaroon ng madidilaw na pantal
2:
ang pantal na dulot nitó.

xanthophyll (zán·to·fíl)

png |Bio |[ Ing ]
:
carotenoid na may oxygen na matatagpuan sa haláman, at isa sa mga pigment na kasáma sa fotosintesis.

X chromosome (eks kró·mo·sóm)

png |Bio |[ Ing ]
:
sex chromosome ng mamalya na dalawa ang bÌlang sa babae at isa sa laláki.

Xe (eks i)

symbol |Kem |[ Ing ]

xeno- (zé·no)

pnl |[ Ing Gri ]
:
pambuo ng pangngalan at nangangahulugang dayuhan, hal xenophobia.

xenogamy (zé·no·ga·mí)

png |Bot |[ Ing ]
:
polinisasyon ng stigma sa pamamagitan ng polen ng ibang bulaklak.

xenograft (zé·no·gráft)

png |Med Bio |[ Ing ]
:
tisyu mula sa isang donor na naiiba ang espesye sa tatanggap.

xenolith (zé·no·lít)

png |Heo |[ Ing ]
:
ibang uri ng bató na nakabaon sa batóng mula sa bulkan.

xenon (zé·non)

png |Kem |[ Ing Gri ]
:
di-reaktibong element (atomic number 54, symbol Xe ).

xenophobe (zé·no·fób)

png |[ Ing ]
:
tao na may xenophobia.

xenophobia (zé·no·fó·bya)

png |Sik |[ Ing ]
:
labis na pagkasuklam o pagkatákot sa dayuhan, at mga bagay na naiiba sa kaniyang kinagisnan.

xeranthemum (ze·rán·te·múm)

png |Bot |[ Ing ]
:
haláman (genus Xeranthemum ) na may tuyông bulaklak na kahawig ng daisy.

xeric (zé·rik)

pnr |[ Ing ]
:
ukol sa o may kaugnayan sa tuyông kaligiran.

xero- (zé·ro)

pnl |[ Gri ]
:
pambuo ng pangngalan na nangangahulugang tuyô.

xeroderma (zé·ro·dér·ma)

png |Med |[ Ing ]
:
labis na panunuyô ng balát.

xerograph (zé·ro·graf)

png |[ Ing ]
:
kopyang likha ng xerography.

xerography (ze·ró·gra·fí)

png |[ Ing ]
:
proseso ng paggawa ng kopya ng nakalimbag, nakasulat, o nakalarawang materyales, mula sa film o papel, sa pamamagitan ng estatikong liwanag at elektrisidad : PHOTOCOPYING Cf XEROX

xerophilous (ze·ró·fi·lús)

pnr |[ Ing ]
1:
Bot tumutubô o umaangkop sa tuyô at mainit na pook
2:
Zoo nabubúhay sa tuyông pook.

xerophyte (zé·ro·fáyt)

png |Bot |[ Ing ]
:
halámang angkop na mabúhay sa tuyông kondisyon o pook.

Xerox (zé·roks)

png |[ Ing ]
1:
tatak ng mákiná para sa xerography
2:
sa maliit na titik, nakagawiang tawag sa xerography.

xi (zi)

png |[ Gri ]
:
ang ikalabing-apat na titik ng alpabetong Greek.

-xion (syon)

pnl |[ Ing ]
:
varyant ng -ion.

xiphisternum (zi·fís·ter·núm)

pnl |Ana |[ Ing ]
:
pinakaibabâ sa tatlong biyas ng sternum.

Xmas (éks·mas)

daglat |Kol |[ Ing ]

xoanon (zo·wá·non)

png |[ Gri ]
:
sinaunang imahen ng isang diyos, karaniwang gawâ sa kahoy, at pinaniniwalaang mula sa langit.

X-rated (eks réy·ted)

pnr |[ Ing ]
:
sa pag-uuri ng pelikula o babasahín, hayagang nagtatanghal ng sex.

X-ray (eks-rey)

png |[ Ing ]
1:
anyo ng radyasyong elektromagnetiko, katulad ng liwanag subalit higit na maikli ang habàng-alon at may kakayahang mapasok ang mga bagay na solid : RAYOS-X
2:
imaheng likha nitó sa isang potograpikong plaka, lalo na sa pagpapakita ng posisyon ng mga butó, at katulad : RAYOS-X

X-ray astronomy (eks-rey as·tró·no·mí)

png |[ Ing ]
:
pagmamasid sa mga bagay na pangkalawakan sa pamamagitan ng mga instrumentong sumusíkat sa malakas na radyasyong elektromagnetiko.

X-ray crystallography (eks-rey krís·ta·ló·gra·fí)

png |[ Ing ]
:
pag-aaral sa mga kristal at sa estruktura nitó sa pamamagitan ng X-ray.

xylem (záy·lem)

png |Bot |[ Ing ]
:
tisyu ng haláman na dinadaanan ng tubig at sustansiya mula sa ugat Cf PHLOEM

xylene (záy·lin)

png |Kem |[ Ing ]
:
alinman sa tatlong masebo, walang kulay, magalîng magliyab, nakalalason, at isomerikong likido (C8H10), na nakukuha sa alkitran.

xylo- (záy·lo)

pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan, nangangahulugang kahoy.

xylocarp (záy·lo·kárp)

png |Bot |[ Ing ]
:
bunga na sintigas ng kahoy.

xylograph (záy·lo·gráf)

png |[ Ing ]

xylonite (záy·lo·náyt)

png |[ Ing ]
:
uri ng celluloid.

xylophagous (zay·ló·fa·gús)

pnr |Zoo |[ Ing ]

xylophone (záy·lo·fón)

png |Mus |[ Ing ]

xystus (zís·tus)

png
1:
[Gri] sa sinaunang Greek, balkonaheng ginagamit ng mga atleta para sa ehersisyo
2:
[Lat] daan sa hardin o balkonahe.