C, c 1: ikatlong titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na si 2: ikatlo sa isang serye o pangkat 3: a unang nota o tono ng diyatonikong eskala ng C major b eskala o key na nakabatay sa nota o tónong ito 4: pasulat o palimbag na representasyon ng C o c 5: tipo, tulad ng sa printer, upang magawa ang titik C o c
cabal (ká•bal) 1: pangkat na may lihim na pakana laban sa isang pamahalaan o tao na nása kapangyarihan 2: pakana ng naturang pangkatin
cabbala (káb•a•lá) 1: sa sinaunang tradisyong Hudyo, ang mistikal na interpretasyon ng Bibliya 2: doktrinang esoteriko