S, s (es)
png
1:
ikadalawampu’t isang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na es
2:
ikadalawampu’t isa sa isang serye o pangkat
3:
anumang bigkas na kumakatawan sa titik S o s
4:
anumang may hugis S
5:
pasulat o palimbag na representasyon ng S o s
6:
tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik S o s.
‘s (kudlit at es)
|[ Ing ]
1:
nása hulihán ng pangngalang isahan at maramihan, pangngalang parirala, panghalip, at mga salitâng hindi nagtatapos sa s o tunog ng s at nagpapahayag na nása kaukulang paari ang salita, hal man’s, men’s, baby’s, king of England’s, anyone’s
2:
kontraksiyon ng is, hal He’s here
3:
kontraksiyon ng does, hal What’s he do to win?
4:
kontraksiyon ng has, hal He’s just gone
5:
kontraksiyon ng us, hal Let’s go
6:
kontraksiyon ng as, hal so’s to get there on time.
sa
png
:
tawag sa letrang s sa alpabetong Tagalog.
sa
pnu pnt
1:
aginagamit bago ang oras, hal sa ika- b3 nh, sa ikatatlo ng hapon
2:
ginagamit bago ang pangalan ng pook, ang pinanggalíngan, at ang pinagmulan ng isang tao o bagay, hal mula sa Maynila, gáling sa unggoy, mula sa bahay, buhat sa pagkabatà : FROM2
3:
ginagamit bago ang pangalan ng pook, kinalalagyan, at pinangyarihan, hal ipinangangak sa Bulakan, inilagay sa bote
4:
ginagamit bago ang pangalan ng rehiyon, lalawigan, bayan, o pook, hal lumakí sa Visayas, tubò sa Quezon
5:
anagsasaad ng araw, buwan, at taon, hal sa Lunes, sa Mayo, sa taóng b2000
6:
[Bik Hil Seb Tag War]
ginagamit bago ang pangalan ng pook at nagsasaad ng direksiyon, hal táyo sa Iloilo, táyo sa Maynila : TO
7:
[Hil Tag]
ginagamit bago ang panghalip at nagsasaad ng táong kasáma, hal sumabay sa akin, sumáma sa kaniya : WITH1
8:
ginagamit bago ang salitâng may at nagsasaad ng nalalapit na pook, petsa, oras, o panahon, hal sa may Pebrero, sa may tulay
9:
ikinakabit sa kay upang mabuo ang kaysa na nagsasaad ng paghahambing, hal Magalíng kaysa iyo, Mabait kaysa iba
10:
ikinakabit sa na upang mabuo ang nása na ginagamit sa pagsasaad ng kinaroroonan at lokasyon, hal nása bahay, nása akin, nása loob
11:
sumusunod sa para o ukol upang mabuo ang para sa o ukol sa na nagsaad kung kanino nakalaan ang isang bagay, hal “para sa akin” o “ukol sa akin”, “para sa lahat” o “ukol sa lahat”.
sa
pnl
1:
pambuo ng pang-abay sa unahán ng pandiwang panghinaharap at nangangahulugan ng hindi inaasahang pagkakasabay sa isang pangyayari, hal sa dáratíng silá nang kami’y paalis na
2:
ginagamit bago ang pangalan, karaniwang sumusunod sa may, at nagsasaad ng katangian ng sinumang tinutukoy, hal may sademonyo, may sapagong
3:
pambuo ng salita at nangangahulugang “sa pamamagitan ng ”, hal sa lakásan, sa bilísan, sa palakíhan, sa pagandahan.
-sa-
pnl
1:
pambuo ng isa at nagsasaad ng pagsasaalang-alang at paglalagay sa isang bagay, hal isaisantabi, isaisip, isapuso
2:
pambuo ng magsa- at nagpapahayag ng aktibong gamit ng isa-, hal magsaalang-alang, magsaisantabi, magsaisip, magsapuso
3:
pambuo ng magsa- at nagpapahayag ng paggaya at pagganap sa tungkulin ng iba, hal magsamayaman, magsahayop, magsapari
4:
pambuo ng pasa- at nagpapahayag ng pagpunta o paglipat sa isang pook, hal pasa-Iloilo, pasa-Maynila, pasabundok.
sa-
pnl
:
pambuo ng pang-abay at pang uri, kinakabitan ng hulaping -an, at nagsasaad ng paraan, hal sápilitan.
Sa a·bâ ko!
pdd
:
Kaawáan akó!
Sa a·bâ mo!
pdd
:
Kaawáan ka!
Sa a·bâ nin·yo
pdd |[ ST ]
:
Kaawáan kayó!
sa·ád
pnd |i·sa·ád, mag·sa·ád
:
sabihin o banggitin.
sa·bá
png |Bot |[ Bik Kap Tag ]
sa·bád
png
1:
[Hil Kap Tag]
pakikisangkot o pagsagot ng tao na hindi kasali sa usapan : ALLÁWAT,
SÁGBANG DÁWDAW,
SABÁT2,
SÁGBAT TÍMANG,
SALÁBAT,
SALÍOT,
TÁPSOK
2:
Mit
[Seb]
mabangis na hayop na matatagpuan sa tubig.
Sá·ba·dó de Glor·ya
png |[ Esp sabado de gloria ]
:
ang Sabado bago ang Linggo ng Pagkabuhay : BLACK SATURDAY
Sabah (sá·ba)
png |Heg |[ Ing ]
:
estado ng Malaysia na binubuo ng hilagang bahagi ng Borneo at iba pang mga pulo.
sá·bak
png
1:
2:
gatla sa tagdán ng palasô para sa talì ng búsog
3:
pag-angkop ng isang bagay ; paglalagay ng bagay sa kinalalagyan
4:
pagharap sa tungkulin o gawaing may kabigatan — pnd i·sá·bak,
ma·pa·sá·bak,
pa·sa·bá·kan,
sa·bá·kan,
su·má·bak
5:
6:
hindi karaniwan at hindi awtorisadong paggamit ng suplay na pagkain para sa sariling kapakanan
7:
[Bik Hil Seb War]
kandóng
8:
Bot
[Kap]
malamukot na dahon.
sá·bal
png
1:
dike na inilalagay upang ilihis ang daloy ng sapà Cf HÁRANG1-2
2:
[Kap]
malasákit
3:
[Kap]
sagábal2
sa·ba·lán
png |Mus
:
paligsahan ng dalawa o higit pang mang-aawit.
sa·bá·na
png
1:
bahagi ng lansangan na walang bahay sa magkabilâng gilid
2:
sa·báng
png |[ Kap Tag ]
:
salikop o hugpungan ng dalawa o mahigit na lansangan, riles, kalye, ilog, at mga katulad : ARIMPONGÁPONG,
GINSÁNG-AN,
INTERSÉKSIYÓN1,
JUNCTION,
KINASÁNG-AN,
KRÓSING1,
NANSANGAÁN,
PINÁGKURUSÁN,
SALAPÓNG1,
SAMBÁL,
SAMBÁT,
SANGÁNDAÁN,
SARÁNGA
sá·bang
png
1:
Mil
paunang patrol na nagmamanman ng posibleng posisyon ng mga kalaban
2:
Bot
[Bon]
dapdáp.
sa·ba·ngán
png
:
pagbibigay ng salapi.
sa·bá·ngan
png |Heo |[ Ilk Tag ]
:
malapad na súkat ng lupa sa tagpuan ng dalawa o mahigit pang ilog : DÉLTA2
sa·ban·yón
png |Med |[ Esp sabañon ]
:
pamamagâng dulot ng paglantad ng mga kamay at paa sa labis na lamig.
sa·bát
png |[ Kap Tag ]
1:
2:
3:
pagharang o pag-abang sa isang tumatakas
4:
[Seb]
pagsabay o pagsunod sa maramihang dasal o awit
5:
[Seb]
élisé
6:
[Hil]
tugón.
sá·bat
png
1:
disenyong mabubuo sa paglála ng banig o paghahábi ng tela, at mga katulad
2:
sá·bat-sá·bat
png |Agr |[ ST ]
:
damasko, tulad ng bagay na gawa sa seda o sa papel.
sa·báw
png |[ Akl Bik Hil Seb Tag War ]
1:
sa·báy
pnr
sá·bay
png |[ ST ]
:
pag-apaw ng alak at katulad na likido.
Sabbath (sá·bat)
png |[ Ing ]
1:
araw ng pangilin at hindi pagtatrabaho para sa mga Hudyo at ibang mga Kristiyano
2:
panahon ng pamamahinga, karaniwang Linggo.
sabbatical (sa·bá·ti·kál)
pnr |[ Ing ]
1:
hinggil sa Sabbath
2:
sa maliit na titik, ukol sa panahon ng pamamahinga.
sabbatical year (sa·bá·ti·kál yir)
png |[ Ing ]
:
sa paaralan, unibersidad, kolehiyo, at katulad, pahintulot sa isang propesor upang mag-aral o maglakbay, karaniwan tuwing ikapitong taon.
sa·béng
png |[ Ilk ]
:
amoy ng prutas, dahon, o yerba.
sabertooth (séy·ber·tút)
png |Zoo |[ Ing ]
:
anumang kabílang sa extinct na uri ng mga pusa (genus Felidae ) na mula sa panahong Oligocene at Pleistocene, na may mahabà at tíla sableng mga pangil : SABERTOOTH
sá·bet
pnd |mag·sá·bet, sa·bé·tin, su·má·bet |[ Mrw ]
:
sumagip o sagipin.
sabicu (sa·bí·ku)
png |[ Ing ]
1:
Bot
matigas na punongkahoy (Lysiloma latisiliquum ) sa kanlurang India na inaalagaan dahil sa tabla
2:
tabla mula sa punòng ito.
sa·bík
pnr |[ Iba Kap Tag ]
1:
may masidhing paghahangad na kamtin o danasin ang isang bagay, karanasan, o kaisipan : ALIP-ÍP,
EAGER,
HÍDLAW,
HÚDOP,
ÍNAM2,
KATETERÁNGAN,
MAHINÁNGPON,
MAÍGOT,
NAGÁGAR
2:
matinding paghahangad na makíta o makaulayaw ang isang matagal nang hindi nakakasáma : ALIP-ÍP,
EAGER,
HÍDLAW,
HÚDOP,
ÍNAM2,
KATETERÁNGAN,
MAHINÁNGPON,
MAÍGOT,
NAGÁGAR
sá·bi·lá
png |Bot
:
halámang ornamental at medisinal (Aloe barbadensis ), tumataas nang 30-40 sm, dilaw ang bulaklak, at naipanggugugo ang katas, katutubò sa rehiyong Mediteraneo at kamakailan lámang ipinakilála sa Filipinas : ALOE1,
DILÁMBUWÁYA,
DILÀNG-HÁLO
sa·bí·law
png |Bot
:
makatas, gumagapang, at malambot na palumpong (Cyanotis axillaris ) : KULÁSIN-MARINTÉK
sá·bing
png |Psd |[ Ilk ]
:
patibong para sa isda gawâ sa sulihiyang kawayan, inilalagay nang patayô sa ilog, at may maliit na bukás na daanan.
Sabin vaccine (sá·bin vák·sin)
png |Med |[ Ing ]
:
bakuna para sa poliomyelitis.
sa·bír
png |[ ST ]
1:
paghila sa isang bagay
2:
pagsusuot ng alahas sa leeg.
sa·bí-sa·bí
png
:
balita o istorya na hindi alam ang pinagsimulan at malimit na mali : GRAPEVINE3,
TIBADBÁD
sá·bi-sá·bi
png
:
kaalamang malaganap bagaman walang tiyak na batayan.
sa·bi·tán
png |[ sabit+an ]
:
ang pinagbibitinan ng anumang bagay.
sa·bi·yá
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng yerba.
sa·bi·yák
pnr |[ ST ]
:
kapansin-pansin, gaya ng mabangong bulaklak o ng punongkahoy na pantay-pantay ang mga sanga.
sab·láng
png |Med |[ ST ]
:
pagkakaroon ng masamâng pakiramdam, gaya ng pagsusuka o pagtatae.
sab·láy
png
1:
hindi pagtama, gaya ng sablay na suntok o ulos
2:
anumang inilalagay nang paalampay sa balikat, bílang bahagi ng pormal na kasuotan
3:
tawag sa bánda na isinusuot nang pasablay sa katawan, gaya sa kasuotang akademiko sa Unibersidad ng Pilipinas na isinusuot sa ibabaw ng pormal na pananamit : KÍBAT
4:
[Tau]
blusang may manggas na hanggang baywang.
sab·láy
pnr |su·mab·láy
:
hindi tumama ang ulos, suntok, o katulad.
sab·láy
pnd |i·sab·láy, sab·la·yán
:
ihampas nang pabalatay sa katawan.
sab·lá·yan
png |[ Buk ]
:
bordadong telang pandekorasyon sa ulo ng mga babae, ikinakabit sa suklay.
sable (séy·bol)
png |[ Ing ]
1:
Zoo
maliit na mammal (Martes zibellina ) na karniboro at matatagpuan sa hilagang Europa at mga bahagi ng hilagang Asia
2:
damit sa pagluluksa.