Ñ, ñ (en·ye)

png
:
ikalabing-anim na titik ng alpabetong Filipino at mula sa ika-labimpitong titik sa alpabetong Espanyol ; tinatawag na énye at bini-bigkas sa nya.

ñacanina (nya·ka·ní·na)

png |Zoo |[ Esp ]
:
ahas na malaki, makamandag, at ma-tatagpuan sa Argentina.

ñandubay (nyan·dú·bay)

png |Bot |[ Esp ]
:
uri ng matigas na punongkahoy : NANDÚBAY

ñan·du·ti (nyan·du·tí)

png |[ Esp ]
:
pinong láso sa Paraguay : NANDUTÍ

ñire (nyí·re)

png |Bot
:
punongkahoy na tumataas nang 20 m at marami sa Chile.

ñocha (nyó·tsa)

png |Bot |[ Esp ]
:
yerbang bromeliad na matatagpuan sa Chile at ginagamit sa paggawa ng lubid o sombrero ang himaymay ng dahon.

ñorbo (nyór·bo)

png |[ Esp ]
:
bulaklak na maliit, napakabango, at karani-wang ipinapalamuti sa mga bintana sa Ecuador at Peru.

ñu (nyu)

png |Zoo |[ Esp ]
:
anuman sa antelope (genus Connochaetes ) na gá-ling sa Africa na may ulong tulad ng toro, kurbadong sungay, at mahabàng buntot : GNU, WILDEBEEST