G, g
png
1:
ikapitóng titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na dyi
2:
ikapitó sa isang serye o pangkat
3:
Mus
ikalimang nota o tono sa eskalang diyatoniko ng C major o ikapitó sa kaugnay na eskalang A minor
4:
pasulat o palimbag na representasyon ng G o g
5:
tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik G o g.
ga
png
:
tawag at bigkas sa titik G sa abakadang Tagalog.
ga
pnl
:
pambuo ng pang-uri at nangangahulugang kasukát o katulad ng súkat ng tinutukoy sa kasunod na salita, hal gabútil.
gá·ab
png |[ War ]
1:
paglantad sa panganib o sa kapahamakan
2:
tao na pinilit umako ng pananagutan o tungkulin ng iba.
ga·a·lín
pnb |[ ST ]
:
ang sukat kung gaáno kalaki o kalayò.
ga·án
png |[ Seb Tag War ]
1:
kababàan ng timbang
2:
pagiging madalî o mabilisang gawin ang isang bagay — pnr ma·ga·án. — pnd ga·a·nán,
mag·pa·ga·án,
pa·ga·a·nín
gá·ang
png |[ ST ]
:
bútas ng sisidlan, karaniwan sa tapayan.
gá·ang
pnd |ga·á·ngin, gu·má·ang, i·gá·ang |[ Hil ]
:
idarang ang isang bagay sa init ng apoy.
ga·a·nó
pnh pnb |[ ga+anó ]
:
ginagamit sa pangungusap na may himig ng pag-aagam-agam, pagdaíng, o paghanga.
ga·ás
png |[ Ing gas ]
:
tawag sa kérosín.
ga·ás-ga·ás
png |Zoo |[ War ]
:
ibong nása pamilyang babbler (Macronus Striaticeps ), kulay kayumanggi ang pakpak at buntot, at may mga guhit na itim at putî ang ulo.
gá·at
png
:
bahagyang ukit na sinadya sa pamamagitan ng patalim upang madalîng mabalì ang isang bagay.
gab
png |[ Ing ]
:
mababaw na usapan o pagsasalita.
gá·ba
png |Mil |[ Ilk ]
:
palihim o biglaang pagsalakay sa kaaway — pnd ga·bá·in,
gu·má·ba.
gá·bak
pnr
1:
malalim ang hukay o malakí ang lubak, karaniwang sa lupa
2:
malakí ang sirà, karaniwan ng damit at katulad.
ga·bán
png
1:
Bio
[ST]
pagtatalik ng mga hayop
ga·báng
png
:
mabagal na pagkilos o paglakad — pnr ma·ga·báng.
gá·bang
png
1:
Mus
uri ng hinihipang kawayan na nakalilikha ng mataas na tono
2:
[ST]
pagiging gahól
3:
Bot
[Ilk]
punongkahoy na may balát na ginagamit upang magkakulay kayumanggi ang bási.
ga·bá·ra
png |Ntk |[ Esp gabarra ]
:
malapad na sasakyang pantubig, sapád ang ilalim, at ginagamit sa pagdadalá ng mga kalakal at iba pang kargamento : BARGE var gebára
ga·bar·dín
png |[ Ing gabardine ]
1:
malambot at matibay na uri ng tela na yarì sa lana, cotton, o rayon : GABARDINE
2:
ga·ba·ré·ro
png |[ Esp gabarrero ]
:
tao na nagpapalakad o namamahala sa gabara var gebaréro
gá·baw
png |[ War ]
:
karagdagang presyo.
ga·báy
png
1:
Ark
bahagi ng hagdanan na hinahawakan sa pagpanhik o pagbabâ : ALUBÁYBAY,
GALABÁY,
GUYÁBNAN Cf BARANDÍLYA — pnd ga·ba·yán,
gu·ma·báy,
i·páng·ga·báy
gá·bay
pnr |[ Ilk ]
:
hulí1 o náhulí.
gáb·bang
png |Mus |[ Pal Sml Tau Yak ]
gab·bó
png |Isp |[ Ilk ]
:
bunô o pagbubunô.
gáb·bok
png |Say |[ Kal ]
:
sayaw bílang pasasalamat sa ikatlo o ikaapat na buwan ng sanggol.
gab·bós
png |Zoo |[ Ilk ]
:
kuyog ng mga bubuyog na ilahas.
gá·be
png |Bot |[ Akl Bik Hil Iba Ilk Seb War ]
ga·be-ga·bí·han
png |Bot |[ gábe+gábe+ han ]
:
halámang-ugat (Monochoria hastata ) na mahahabà ang dahon at nabubúhay sa mamasâ-masâng lupa.
gá·beng-u·wák
png |Bot |[ gábe+na uwák ]
gáb·hay
pnr |[ Hil ]
:
kulay na nalulusaw na itim, nagiging kayumanggi hanggang sa pumutî.
ga·bí
png |[ Iba Mag Tag ]
gá·bi
pnd |ga·bí·hin, mang·gá·bi |[ War ]
:
apihín o mang-apí.
ga·bí-ga·bí
pnr
:
tuwing gabí ; hindi sumasála sa gabí.
ga·bi·lán
png |Zoo
1:
[Esp gavilan]
isang maliit na ibong mandaragit (genus Accipiter, family Accipitridae ) na sumisilà ng maliliit na hayop : SPARROW HAWK
2:
[Tag Bag]
habihán.
ga·bí·lan
png
1:
Kar
[Ilk]
katam na pangkutab, karaniwang ginagamit sa pagpapakinis ng mga bagay
2:
Zoo
[Seb]
bakóko1
ga·bi·né·te
png |Pol |[ Esp ]
:
lupon ng mga opisyal ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya na tumutulong sa pangulo sa pagpapatakbo ng pamahalaan : KÁBINÉT2,
MINÍSTÉRYO1
ga·bí·tay
pnd |gu·ma·bí·tay, i·ga·bí·tay, i·páng·ga·bí·tay |[ Seb ]
:
ilawit sa tubig.
gab·lé·te
png |Ark |[ Esp ]
Ga·bón
png |Heg |[ Ing ]
:
isa sa mga bansa sa kanlurang Africa.
gá·bon
png
1:
[ST]
lason ng haláman
2:
[ST]
muling pagsupling ng damong tinabás
3:
[ST]
lason na nása pagkain
4:
[Mag Seb]
úlap.
Gabriel (géyb·ri·yél, gab·ri·yél)
png |[ Ing Esp ]
1:
sa Bibliya, arkanghel na nagbalita sa pagsisílang kay Hesus sa pamamagitan ng Birheng Maria
2:
arkanghel na nagbunyag ng Koran kay Muhammad.
gab·ríng
pnd |gab·ri·ngín, gu·mab· ríng, i·gab·ríng, máng·gab·ríng |[ Bik ]
:
agawin ; hablutin.
ga·bu·nán
png |Mit |[ Hil ]
:
aswang na kumakain ng lamán ng tao minsan sa isang taon.
gá·but
png
1:
[Bik Hil Ilk Tag]
palabnot na pagbúnot sa haláman o pagbúnot sa dahon nitó — pnd ga·bú·tin,
gu·má·but,
mag·gá·but
2:
pagsirà sa damit sa pamamagitan ng pagbaltak o paghablot — pnd ga·bú·tin,
gu·má·but
3:
sirà ng damit o iba pang kauri nitó
4:
pagkidnap sa isang babae
5:
Gad
png
:
sa Bibliya, anak na laláki nina Jacob at Zilpah at itinuturing na pinagmulan ng tribu ng Israel.
gá·da-gá·da
png |[ Mrw ]
:
banderitas na may iba’t ibang kulay.
gá·dang
png |Agr |[ Ilk ]
:
piraso ng kawá-yan o kahoy na ginagamit sa paggawâ ng maliit na hukay sa lupa na tatamnan ng binhi.
Gád·dang
png
1:
Ant
pangkating etniko na matatagpuan sa pusod ng Ca-gayan Valley at Silangang bahagi ng Cordillera
2:
Lgw
isa sa mga wika nilá.
gadfly (gád·flay)
png |Zoo |[ Ing ]
1:
lamok na nangangagat ng báka
2:
tao na nakayayamót.
gad·gád
pnr
:
duróg1 o pira-piraso.
gad·gád
pnd |gad·ga·rín, gu·mad·gád, i·gad·gád, mag·gad·gád
:
paliitin ang isang bagay, karaniwang pagkain, túngo sa maliliit na piraso sa pamamagitan ng pagkaskas nitó sa isang gadgaran : GRATE
gád·gad
png |[ Ilk ]
:
hasaán ng talim o talas ; batóng kiskisan.
gad·gár
png |[ ST ]
1:
pagputol sa ugat
2:
katapusan o pagkaubos ng isang bagay.
gad·gá·ran
png |[ gadgád+an ]
ga·díng-ga·díng
png |[ Bik ]
:
maliliit na manyika at pigurin na gawa sa luad.