O, o

png
1:
ikalabimpitóng titik sa alpabetong Filipino ; isang patinig at tinatawag na o
2:
ikalabintatlong titik sa abakadang Tagalog
3:
ikalabimpito sa isang serye o pangkat
4:
pasulat o palimbag na representasyon ng O o o
5:
tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik O o o.

-o

pnl |[ Esp ]
:
pambuo ng pangngalan at pang-uri na may kasariang panlaláki, hal niño, maestro Cf -A

O (o)

png |[ Ing ]
:
tipo ng dugo ng tao.

O!

pdd
1:
bulalas ng pagkagulat, hindi pagsang-ayon, at iba pa : OH!
2:
ginagamit sa pagtawag o pagsamo, bago ang pangalan ng tao o pook, hal “O Diyos ko!,” “O irog!,” “O Davao!” : OH!
3:
ginagamit sa pagtawag ng atensiyon o pansin sa tao na kinakausap Cf OY!

O

pnb
:
ginagamit sa pagpapakilála ng isang pahayag o tanong, karaniwang nagpapahiwatig ng pag-aalala, paninisi, o agam-agam, hal “O, ano ang nangyari sa kanila?,” “O, tingnan mo ang nangyari.,” “O, ganyan ang paghawak sa batà.”

O

daglat |Ele |[ Ing ]

O

symbol |Kem |[ Ing ]

OA (ó·ey)

daglat |[ Ing ]

oak (owk)

png |Bot |[ Ing ]
1:
punongkahoy o palumpong (genus Quercus ), karaniwang bilugán ang dahon at hugis itlog ang bunga : ENSÍNA, RÓBLE Cf QUERCITRON
2:
matigas at matibay na kahoy nitó, karaniwang ginagamit sa konstruksiyon at paggawâ ng kasangkapan : ENSÍNA, RÓBLE
3:
anumang bagay na gawâ sa kahoy na ito : ENSÍNA, RÓBLE

oar (or)

png |Ntk |[ Ing ]

oarfish (ór·fish)

png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng ribbonfish (family Regalecidae ) na malaki, mahabà, sapád ang katawan na humahabà nang 3.66 m to 6.10 m, at naninirahan sa malalim na bahagi ng dagat.

oarweed (ór·wid)

png |Bot |[ Ing ]
:
malakíng alga (genus Laminaria ), karaniwang tumutubò sa mabatóng baybaying dagat.

oas (ó·was)

png |Bot
:
punongkahoy (Harpullia arborea ) na tumataas nang 20 m, may balakbak at bungang may katas na ipinapahid sa balát upang hindi kagatin ng linta.

oasis (o·wá·sis, o·wéy·sis)

png png |[ Esp Ing ]
1:
Heo matabâ at lungtiang pook sa disyerto, karaniwang katatagpuan ng bukal o balon
2:
bagay na nagsisilbing kanlungan at nagdudulot ng kaginhawahan o kapanatagan.

oat (owt)

png |Bot |[ Ing ]
:
halámang butil (Avena sativa ), nililinang sa pook na malamig ang klima.

oatcake (ówt·keyk)

png |[ Ing ]
:
keyk, karaniwang manipis at malutóng, at gawâ sa oatmeal.

oath (owt)

png |[ Ing ]
1:
sumpâ1-2 o pagsumpa, karaniwang sa Diyos, hinggil sa katotohanan ng pahayag o sa pagtupad ng gawain
2:
pagsulat ng nasabing pahayag o pangako.

oatmeal (ówt·mil)

png |[ Ing ]
:
giniling na oat, karaniwang ginagawâng oatcake.

ob (ó·bi)

daglat |[ Lat ]

ó·ba

pnr |[ Akl ]

Obadiah (o·ba·dá·ya)

png |[ Ing Heb ]
1:
isang propetang Hebrew
2:
pinakamaikling aklat sa Bibliya.

o·bák

png |Bot |[ Pan ]

ó·bak

png |[ Pan ]
:
tálop o pagtatálop.

o·ba·lá·do

png pnr |[ Esp ovalado ]

ó·ba·ló

png pnr |[ Esp óvalo ]

ó·ban-ó·ban

png |Bot |[ Mnb ]

o·ba·ráy·tis

png |Med |[ Ing ovaritis ]
:
pamamagâ ng obaryo, karaniwang pati ng fallopian tube : OOPHORITIS

o·bár·yo

png |[ Esp ovario ]
1:
Ana reproduktibong glandula ng babae na kinalalagyan at lumilikha ng mga ovum at hormone : OVARY Cf ITLÓG
2:
Bot ibabâng bahagi ng pistil na kinalalagyan ng mga ovule o mga murang binhi : OVARY

o·bát

png |Mit |[ Ifu ]
:
pagsiyap ng idaw, signos na may masusugatan o maaaksidente sa patalim.

o·bá·ya

png |[ Bon ]
:
araw ng pahinga.

ob·bá

png |[ Ilk ]

ob·bli·gá·to

pnr |[ Ita ]
:
kailangan o hindi maaaring mawala.

ób·bu

png |[ Ifu ]

obedience (o·bí·dyens)

png |[ Ing ]
1:
pagsunod o pagiging masunurin
2:
pagsailalim sa tuntunin o awtoridad
3:
pagsunod sa batas o utos.

obedient (o·bíd·yent)

pnr |[ Ing ]

o·bé·ha

png |Zoo |[ Esp oveja ]

o·be·hé·ro

png |[ Esp ovejero ]

o·bé·lisk

png |[ Ing ]

o·be·lís·ko

png |[ Esp obelisco ]
1:
malakí at mataas na posteng bató, hugis kandilang may apat na kanto, karaniwang monolitiko, at tíla piramide ang tuktok : OBÉLISK
2:
anumang katulad nitó : OBÉLISK

o·ber·tú·ra

png |[ Esp overtura ]
1:
Mus panimula o pambungad na tugtugin sa komposisyong pang-orkestra, opera, at iba pa : OVERTURE Cf PASAKÁLYE
2:
pambungad na negosasyon : OVERTURE Cf ALÓK

obese (o·bís)

pnr |[ Ing ]

o·be·si·dád

png |Med |[ Esp ]
:
pagiging obeso : OBESITY

obesity (o·bé·si·tí)

png |Med |[ Ing ]

o·bé·so

pnr |[ Esp ]

ób·he·tí·bo

pnr |[ Esp objetivo ]
1:
nahihinggil sa materyal na bagay, kasalungat ng konsepto, idea, o paniniwala : OBJECTIVE
2:
may aktuwal na pag-iral o realidad : OBJECTIVE
3:
hindi naaapektuhan ng emosyon, opinyon, at katulad : GITNA4, OBJECTIVE

ób·he·tís·mo

png |Pil |[ Esp objetismo ]
1:
tendensiya na magbigay-diin sa anumang obhetibo o sa external na elemento ng kaalaman : OBJECTIVISM
2:
doktrinang higit na binibigyang-diin ang mga bagay na external sa pag-iisip ng tao kaysa mismong pag-iisip o damdamin : OBJECTIVISM

ob·hé·to

png |[ Esp objeto ]
1:
materyal na bagay o anumang namamalayan o natatanggap ng mga pandamdam : OBJECT
2:
Gra kaukulang palayón : OBJECT
3:
Pil bagay na external sa isip : OBJECT

ó·bi

png |[ Jap ]
:
malapad na paha o sash na pampatong sa kimono at isinusuot sa baywang.

ó·bid

png |Zoo |[ Mrw ]

o·bí·en

png |Bot |[ Ilk ]

ó·bi·ít

png |[ Lat ]
:
namatay siya Cf OB

o·bis·pá·do

png |[ Esp ]
1:
opisina o ranggo ng isang obispo : BISHOPRIC, SEE2
2:
ang diyosesis na pinangangasiwaan ng isang obispo : BISHOPRIC, SEE2

o·bis·pál·ya

png |[ Esp obispalía ]
1:
palasyo ng obispo

o·bís·po

png |[ Esp ]
1:
pinunò ng isang diyosesis : BISHOP1
2:
Isp alpíl
3:
Bot isang uri ng saging.

ó·bit

png |Kol |[ Ing ]

obiter dictum (ó·bi·tér dík·tum)

png |[ Lat ]
:
pahayag ng opinyon ng isang hukom na hindi bahagi sa desisyon ng korte, at hindi kailangang ipatupad.

obituary (o·bi·tsu·wá·ri)

png |[ Ing ]

o·bit·wár·yo

png |[ Esp obituario ]
:
paunawa o pabatid hinggil sa namatay, karaniwang inilalathala : OBITUARY

object (ób·jek)

png |[ Ing ]

object (ob·jék)

pnd |[ Ing ]
:
tumutol, o ipahayag ang hindi pagsang-ayon.

objection (ob·jék·syon)

png |[ Ing ]
1:
tútol1 o pagtutol, o pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon
2:
salungat na katwiran o pahayag.

objectionable (ob·jék·syo·na·ból)

pnr |[ Ing ]
1:
nagsasanhi ng pagtutol o pagprotesta
2:
opensibo o nakaiinsulto sa isang tao o pangkat, lalo na sa relihiyon, lahi, o pangkating etniko.

objective (ob·jék·tiv)

png |[ Ing ]

objective (ob·jék·tiv)

pnr |[ Ing ]

objective case (ob·jék·tiv keys)

png |Gra |[ Ing ]
:
kaukulang palayon.

objectivism (ób·jek·ti·ví·sim)

png |Pil |[ Ing ]

objet d’ art (ób·zhe dár)

png |Sin |[ Fre ]
:
maliit na bagay na may kahalagahang pansining.

o·blas·yón

png |[ Esp oblación ]

oblate (ob·léyt)

png |[ Ing ]
1:
tao na inilalaan ang sarili sa panrelihiyong pamumuhay sa monasteryo ngunit hindi sumasailalim sa isang orden
2:
deboto ng isang espesyal na gawaing panrelihiyon.

oblate (ob·léyt)

pnr |[ Ing ]
:
sa spheroid, patag o sapád ang tuktok at ilalim.

oblation (ob·léy·syon)

png |[ Ing ]

o·bli·gá

pnd |mang-o·bli·gá, ma·o·bli·gá, o·bli·ga·hín |[ Esp obligar ]
1:
ipagawâ o ipatupad ang isang bagay alinsunod sa batas, utos, konsiyensiya, o puwersa
2:
ipasunod ayon sa batas at moralidad, tulad ng pangako, kontrata
3:
gawing sapilitan.

o·bli·gá·do

pnr |[ Esp ]
1:
may obligasyon
2:
kailangang sundin o ipatupad.

o·bli·gas·yón

png |[ Esp obligación ]

obligate (ób·li·géyt)

pnd |[ Ing ]
:
bigyan ng legal o moral na obligasyon.

obligation (ob·li·géy·syon)

png |[ Ing ]

obligatory (ob·li·ga·tó·ri)

pnr |[ Ing ]

o·bli·ga·tór·yo

pnr |[ Esp obligatorio ]
1:
nagpapataw ng moral o legal na obligasyon : OBLIGATORY

obligee (ób·li·dyí)

png |[ Ing ]
1:
Bat tao na may legal na karapatang umasa sa isang tao upang tumupad sa kaniyang obligasyon ; o ang tao na may bond na pinanghahawakan
2:
tao na nagbigay ng pabor, serbisyo, o benepisyo.

ó·bli·gór

png |[ Esp ]
:
tao na may tungkuling gumanap ng obligasyon, alinsunod sa kontrata o iba pang legal na proseso.

ob·lík

pnr |[ Ing oblique ]
2:
Mat hindi perpendikular ang aksis sa base ng patág na rabaw : OBLÍKWO, OBLIQUE
3:
hindi tuwirang ipinahayag : OBLÍKWO, OBLIQUE
4:
Ana hindi kaagapay o hindi nakakrus sa mahabàng aksis ng katawan : OBLÍKWO, OBLIQUE
5:
Bot hindi pantay ang mga gilid ng dahon : OBLÍKWO, OBLIQUE
6:
Gra hinggil sa kaso bukod sa nominatibo o bokatibo : OBLÍKWO, OBLIQUE

o·blík·wo

pnr |[ Esp obliquo ]

oblique (ob·lík)

pnr |[ Ing ]

o·bli·te·ras·yón

png |[ Esp obliteración ]
1:
pagbura sa bakás : OBLITERATION
2:
pagbura o pagsirà ng mga sulat, tanda, at iba pa : OBLITERATION
3:
sa patolohiya, pagsasara ng bútas o pagtatanggal ng mga bahagi na maaaring magdulot ng sakít : OBLITERATION

obliterate (ob·lí·te·réyt)

pnd |[ Ing ]
1:
pawiin o alisin ang lahat ng bakás ; wasakin nang lubusan

obliteration (ob·li·te·réy·syon)

png |[ Ing ]

oblivion (ob·lív·yon)

png |[ Ing ]
:
lubusang pagkawala o paglimot.

oblivious (ob·lív·yus)

pnr |[ Ing ]
1:
laging nakalilimot ; walang naaalala
2:
hindi namamalayan ; hindi nababatid.

ób·long

pnr |[ Ing ]
2:
higit ang lápad kaysa taas.

obnoxious (ob·nók·syus)

pnr |[ Ing ]
1:
nakamúmuhî o nakasúsuklám ang asal
2:
nakayayamot ; nakagagambala.

o·bò

png |[ Bik ]

ó·bo

png |[ Ilk ]
:
tulò ng mga butás na sisidlan ng tubig.

Ó·bo

png |Ant
:
Man úvu.

ob-ób

png |Ant |[ Igo ]
:
seremonya upang maparami ang iniimbak na tubig.

oboe (o·bów)

png |Mus |[ Ing ]
:
balingkinitan at tíla túbong instrumento na hinihipan, yarì sa kahoy, at may dalawang lingguweta.

oboist (ó·bo·wíst)

png |Mus |[ Ing ]
:
tao na tumutugtog ng oboe.

o·ból

png |[ Ifu ]
:
paghábi ng tela — pnd i·o·ból, mag-o·ból, u·mo·ból.

ó·bon

png |[ Ilk ]

o·bóng

png |[ Pan ]

o·bór-o·bór

png |[ Mrw ]
:
tíla payong na bandila.