F, f
png
1:
ikaanim na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ef
2:
ikaanim sa isang serye o pangkat
3:
Mus
ikaapat na nota ng eskalang diyatoniko sa C major
4:
pasulat o palimbag na representasyon ng F o f
5:
tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik F o f.
fa
png |Mus
:
tawag sa ikaapat na nota sa isang eskalang major.
fa·á·yan
png |[ Ted ]
:
uri ng mátong na pinaglalagyan ng sampu o higit pang sáko ng palay.
fa·bá·nga
png |[ Ted ]
:
uri ng anting-anting na itinatalì sa baywang upang palakasin ang pag-iisip.
facebook (féys·buk)
png |Com |[ Ing face+ book ]
:
isang sikát na personal na site sa cyberspace.
face lift (feys lift)
png |[ Ing ]
1:
operasyong kosmetiko upang banatin ang mga luyloy at kulubot na bahagi ng mukha
2:
paraan ng pagpapaganda ng anyo ng isang bagay.
facet (fá·set)
png |[ Ing ]
1:
partikular na aspekto ng isang bagay
2:
tapyas ng isang hiyas
3:
Bio
segment ng compound eye.
face value (feys vál·yu)
png |[ Ing ]
1:
Ekn
itinakdang halaga ng isang nilimbag na salapi
2:
panlabas na anyo o halaga ng isang bagay.
facial nerve (féy·syal nerv)
png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa pampitóng pares ng cranial nerve.
facilitator (fa·si·li·téy·tor)
png |[ Ing ]
:
tao na nagpapagaan o nagpapabilis sa takbo ng gawain Cf TAGAPAMAGÍTAN
fact (fakt)
png |[ Ing ]
:
bagay o pangyayari na kinikilálang tunay.
factitious (fak·tí·syus)
pnr |[ Ing ]
:
hindi natural.
factotum (fak·tó·tum)
png |[ Ing ]
:
empleado na nakagagawâ ng halos lahat ng uri ng trabaho.
facula (fá·kyu·lá)
png |Asn |[ Ing ]
:
maliwanag na bahagi ng araw.
faculty (fá·kul·tí)
png |[ Ing ]
1:
kakayahan sa isang partikular na gawain : PAKULTÁD
2:
likás na kakayahan ng isip at katawan : PAKULTÁD
fade (feyd)
pnr |[ Ing ]
:
kumupas o kupasan.
fá·di
png |[ Ted ]
:
espadang kahoy na ginagamit sa pagsasayaw.
fag
png |Alp |[ Ing ]
:
pinaikling faggot.
Fá·gad
png |Mit |[ Ted ]
:
isa sa mga tribu ng mga espiritu ng higante.
fá·gaw
png |[ Ted ]
:
lalagyan ng mga pinatuyông panggatong na nakabitin sa ibabaw ng dapugan.
fag·fag·tó
png |Ant |[ Igo ]
:
ritwal ng kalalakihan sa Bontoc bílang pasasalamat sa masaganang ani ng kamote.
fa·gí·nes
pnd |[ Ted ]
:
magbihis nang magarà at magpalamuti para sa pista.
fa·gí·tug
png |Psd |[ Ted ]
:
mahabàng pamingwit ng palós.
fa·gún·tang
png |[ Ted ]
:
uri ng bitag.
fa·gú·tas
png |[ Ted ]
:
laro ng pagtabás sa pumpon ng damo sa pamamagitan ng isang tagâ lámang.
Fahrenheit scale (fá·ren·háyt is·kéyl)
png |[ Ing ]
:
eskala ng temperatura na nagyeyelo ang tubig kung nása 32° at kumukulo kung nása 212° sa loob ng normal na kondisyon.
fail (feyl)
pnd |[ Ing ]
1:
mabigo o biguin
2:
bumagsak o ibagsak
4:
hindi pumasá o hindi ipasá.
failure (féyl·yur)
png |[ Ing ]
1:
pagiging bigô
2:
pagiging mahinà
3:
bagsák4 o pagbagsak.
fair (feyr)
pnr |[ Ing ]
2:
maputlang kulay ng balát
3:
4:
maaliwalas, kung sa panahon
5:
katamtaman, kung sa kakayahan.
fairway (féyr·wey)
png |[ Ing ]
1:
napaglalayagang bahagi ng tubigán
2:
regular na daanan ng mga sasakyang-dagat.
fairyland (féy·ri·lánd)
png |Mit |[ Ing ]
:
daigdig ng mga éngkantáda.
fait accompli (feyt a·kóm·pli)
png |[ Fre ]
:
bagay na ginawâ at hulí na para pagtalunan o baguhin.
faith healer (feyt hí·ler)
png |[ Ing ]
:
tao na sinasabing nagpapagalíng sa pamamagitan ng dasal at pananalig sa halip na medikal na panggagamot.
faith healing (feyt hí·ling)
png |[ Ing ]
:
panggagamot na ginagawâ ng isang faith healer : SPIRITUAL HEALING
fá·kang
png |[ Ted ]
:
anting-anting na inilalagay sa lupa upang maláman o makilála ang magnanakaw.
fá·kir
png |[ Ara ]
:
banal na Muslim o Hindu.
fa·lá·wan
png |[ Ted ]
:
tela na pananggalang sa dibdib at baywang kung nakikipaglaban.
falcata (fal·ká·ta)
png |Bot |[ Ing ]
:
mabilis tumubò at malakíng punongkahoy (Albizia falcataria ) 40 m ang taas, makinis at abuhin ang mga sanga, katutubò sa Papua New Guinea at Solomon Islands : MOLUCCAN SAU
falchion (fál·tyon)
png |Mil |[ Ing ]
:
espadang malapad at maikli, malanday ang gilid, at pakurba ang dulo.
falconer (fál·ko·nér)
png |[ Ing ]
1:
tagapag-alaga at tagasanay ng mga falcon o lawin
2:
tao na nangangáso sa pa-mamagitan ng alagang falcon o lawin.
fall (fol)
png |[ Ing ]
1:
akto ng pagbagsak o pagbulusok
2:
anumang bagay na bumagsak o bumabagsak
3:
súkat ng dami at lakas ng pagbagsak ng ulan
4:
pagbagsak ng presyo o halaga
5:
anumang direksiyon na pababâ
falla (fál·ya)
png |Kas |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, bayad upang hindi magtrabaho sa polo.
fallacy (fá·la·sí)
png |[ Ing Lat fallacia ]
1:
maling pag-aakala
2:
depektibong pag-iisip
3:
Pil
pagkakamali na nagpapahinà sa argumento.
fallback (fól·bak)
png |[ Ing ]
1:
bagay na umatras o ang antas ay iniatras
2:
bagay na maaaring atrasan.
fallible (fá·li·ból)
pnr |[ Ing ]
:
maaaring magkamalî.
fal·lí·wes
png |Mus |[ Bon ]
:
musika ng gangsa sa bisà ng malambot na pampalò.
fallopian tube (fa·ló·pyán tyub)
png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa dalawang túbo sa estrukturang panreproduksiyon ng babaeng mammal at dinadaluyan ng ova buhat sa obaryo túngo sa matris.
false bird-of-paradise (fols berd-of-pá·ra·dáys)
png |Bot |[ Ing ]
:
uri ng helikonya (Heliconia bihai ) na may dahong tulad ng saging at mga bulaklak na kulay dilaw lungtian at nakapaloob sa matigas, hugis bangka, at kulay puláng braktea.
falsetto (fal·sé·to)
png |Mus |[ Ing ]
1:
mataas ngunit hindi likás na tinig ng laláking mang-aawit, lalo na ng tenor
2:
mang-aawit na may gayong tinig.
falsify (fál·si·fáy)
pnd |[ Ing ]
:
palsipikahin o magpalsipika.
famille (fá·mi)
png |[ Fre “pamilya” Ing ]
:
porselana na gawâ sa China.
family (fá·mi·lí)
png |[ Ing ]
1:
2:
Bio
ang pangunahing subdibisyon ng isang order o suborder sa klasipikasyon ng mga halaman, hayop, fungus, at iba pa, karaniwang binubuo ng iba’t ibang genus.
family planning (fá·mi·lí plá·ning)
png |[ Ing ]
:
pagpaplano ng pamilya.
family tree (fá·mi·lí tri)
png |[ Ing ]
:
tsart na nagpapakíta ng ugnayan at linya ng angkan o lahi.
fán·di-fán·di
png |[ Ted ]
:
mga banderitas kung may pista o kasalan.
fán·di né·dol
png |[ Tbo ]
:
palda na yarì sa abaka, may iba’t ibang dekorasyon, at higit na makulay kaysa teduyung.