T, t 1: ikadalawampu’t dalawang titik ng alpabetong Filipino at tinatawag na ti 2: ikadalawampu’t dalawa sa isang serye o pangkat 3: anumang bagay na kahugis nitó 4: pasulat o palimbag na representasyon ng T o t 5: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik T o t
tá•ag : punongkahoy (Kleinhovia hospita), tumataas nang 8-15 m, may malapad at hugis itlog na dahon, pink na bulaklak, at tíla kapsulang bunga na manipis ang balát
ta•án 1: harang ng mga bató at nilálang mga piraso ng kawayan, gamit sa panghuhúli ng isda 2: kítang1 3: palabis sa anuman upang maiwasan ang posibleng ka-kulangan
tá•an 1: hindi pag-ubos sa lahat dahil sa paggálang 2: pagpapaubayang sabihin o gawin ng iba ang isang bagay bilang paggalang 3: paglalagay ng kawil sa pagitan ng dalawang kahoy na nakalubog sa ilog o dagat 4: paglalawit ng kawil sa tubig
ta•áng 1: pampagána1 2: substance na nagdudulot ng pagbabagong kemikal at hindi naaapektuhan ng reaksiyón