E, e (e)
png
:
ikalimang titik sa abakadang Tagalog katagang ginagamit na pang-una o panghulí sa isang salita, parirala, o pangungusap na nagpapahiwatig ng pag-iwas, pag-aatubili, o pagkakaila.
e (i)
png |Mat |[ Ing ]
:
base ng natural logarithm na tinatáyang katumbas ng 2.71828.
E, e
png
1:
ikalimang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na i
2:
ikalimang titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na e
3:
ikalima sa isang serye o pangkat
4:
Mus
ikatlong nota ng eskalang diyatoniko sa C major o ikalima sa kaugnay na eskala ng A minor ; o ang nakasulat na nota na sumasagisag sa tonong ito
5:
pasulat o palimbag na representasyon ng E o e
6:
tipo, tulad ng sa printer upang magawâ ang titik E o e.
E, e! (e)
pdd
:
kataga na nagpapahayag ng pagkutya, panunuya, o pagtataká.
eagle-eyed (í·gel-ayd)
pnr |[ Ing ]
:
matalas ang mga matá ; napakalinaw ang paningin.
eaglet (íg·let)
png |Zoo |[ Ing ]
:
inakáy na bánoy.
earldom (érl·dam)
png |Pol |[ Ing ]
1:
tungkulin ng isang konde
2:
panahon ng panunungkulan ng isang konde.
ear lobe (ír lowb)
png |Ana |[ Ing ]
:
malambot na ibabâng bahagi ng panlabas na taínga.
earmuff (ír·maf)
png |[ Ing ]
:
pambalot o pantakip sa taínga na nagsisilbing pananggaláng sa lamig at ingay.
earn (ern)
pnd |[ Ing ]
1:
kumíta o sumahod
2:
magtamo o magkamit
3:
tumubò ; makinabang
4:
maging karapat-dapat.
earned surplus (ernd súr·plas)
png |Kom |[ Ing ]
:
naipon na tubò o kiníta ng korporasyon na hindi pa naibabahagi sa mga istakholder.
earnest money (érn·nest má·ni)
png |Bat |[ Ing ]
:
salapi bílang patunay ng Kasunduan sa Bilihan na nangangahulugang hindi maaaring ipagbili sa iba ang bagay na napagkasunduang ipagbilí sa loob ng takdang panahon : EARNEST2 Cf PAÚNANG BÁYAD
earphone (ír·fown)
png |[ Ing ]
:
aparatong pantaínga na nakatutulong sa pandinig o nakatatanggap ng komunikasyong panradyo o pantelepono.
earthenware (ér·ten·wéyr)
png |[ Ing ]
:
kagamitan na yarì sa hinurnong luad, tulad ng tapáyan.
ease (is)
png |[ Ing ]
2:
kawalan ng pagkainip at pagkabalísa
4:
pagiging madali
easel (í·sel)
png |[ Ing ]
1:
patungán ng kambas
2:
Sin
kabalyéte4
3:
kalipunan ng mga likha ng isang pintor o ilustrador.
easement (ís·ment)
png |Bat |[ Ing ]
1:
karapatan na magamit ang lupa ng iba : RIGHT OF WAY
2:
pasánin na nakapataw sa isang ari-arian na hindi natitinag para sa kapakanan ng ibang ari-arian na hindi natitinag.
eastbound (íst·bawnd)
pnr |[ Ing ]
:
pasilangan o papunta sa silangan.
Easter (ís·ter)
png |[ Ing ]
:
Pasko ng Pagkabuhay.
Easter egg (ís·ter eg)
png |[ Ing ]
:
itlog na nilagyan ng disenyo at ipinamimigay o ipinahahanap tuwing Easter.
Eastern Samar (ís·tern sá·mar)
png |Heg |[ Ing ]
:
lalawigan sa silangang Visayas ng Filipinas, Rehiyon VIII.
Eastern Standard Time (ís·tern is·tán·dard taym)
png |[ Ing ]
:
oras batay sa ikalimáng sona ng oras sa Kanluran ng Greenwich, ginagamit sa Canada at U.S. at limáng oras na mabagal kaysa oras Greenwich Cf EST
Easter Sunday (ís·ter sán·day)
png |[ Ing ]
:
Linggo ng Pagkabúhay.
East Indies (ist ín·dis)
png |Heg |[ Ing ]
:
ang mga pulo sa Timog Silangang Asia, lalo na ang nása kapuluang Malay ; noong araw, ang buong Timog Silangang Asia sa silangan ng China at kasáma ang India.
eat (it)
pnd |[ Ing ]
:
kainin o kumain.
e·bal·was·yón
png |[ Esp evaluación ]
:
tása3 o pagtatása.
e·báng·he·lís·mo
png |[ Esp evangelismo ]
1:
pagpapakálat, pangangaral, o pagpapahayag ng Ebanghelyo ; gawain ng ebanghelista : EVANGELISM
2:
mga doktrina o simulaing ebangheliko : EVANGELISM
3:
pagsunod sa doktrina, simbahan, o pangkat ebangheliko : EVANGELISM
e·báng·he·lís·ta
png |[ Esp evangelista ]
1:
tagapagkálat o tagapangaral ng Ebanghelyo : EVANGELIST
2:
sinuman sa apat na manunulat ng Ebanghelyo (Juan, Mateo, Marcos, at Lucas ) : EVANGELIST
E·bang·hél·yo
png |[ Esp evangélio ]
1:
mga doktrina na itinurò ni Cristo sa kaniyang mga apostol ; maka- Kristiyanong pagpapahayag : GOSPEL
2:
kasaysayan ng búhay at mga aral ni Cristo na nilalamán ng Bagong Tipan : GOSPEL
3:
mabuting balita ng Diyos : GOSPEL
e·ba·nís·ta
png |[ Esp ]
:
tao na gumagawâ ng kabinet.
é·ba·nis·te·rí·ya
png |[ Esp ebanistería ]
:
pagawâan ng kabinet.
e·ba·po·ras·yón
png |Mtr |[ Esp evaporación ]
1:
2:
pagpapasingaw at pagpapalít ng bahagi ng isang substance sa pamamagitan ng kondensasyon : EVAPORATION
3:
e·bik·si·yón
png |[ Esp eviccion ]
:
legal na pagpapaalis sa isang umupa o katiwala ng bahay, lupa, o iba pang ari-arian : EVICTION
e·bo·kas·yón
png |[ Esp evocacion ]
1:
pagpapabalik ng malalakas na imahen, damdamin, o alaala sa kamalayan : EVOCATION
2:
pananawagan sa isang espiritu o bathala : EVOCATION
e·bo·lus·yón
png |[ Esp evolución ]
1:
proseso ng pagbabago mula sa simple hanggang sa higit na komplikadong anyo : EVOLUTION
3:
pagsingaw ng gas o init : EVOLUTION
EC (í·si)
daglat |Pol |[ Ing ]
:
European Community.
Ecclesiasticus (ik·lí·si·yás·ti·kús)
png |[ Lat ]
:
sa Bibliya, aklat sa Apocrypha na naglalamán ng mga moral at praktikal na kasabihan.
echeveria (et·se·ve·rí·ya)
png |Bot |[ Ing Esp ]
:
yerbang (Echeveria secunda ) makatas at walang punò, malapad, masinsin, at matubò ang dahon, at pulá ang bulaklak ; katutubo sa Mexico.
echinoderm (e·káy·no·dérm)
png |Zoo |[ Ing ]
:
anumang hayop sa tubig (phylum Echinodermata ) na may bahaging parang sinag o silahis, gaya ng bituing-dagat, salangò, at katulad.
echocardiography (é·kow·kar·dyó· gra·fí)
png |Med |[ Ing ]
:
paggamit ng ultrasound sa pagsisiyasat sa galaw o tibok ng puso.
echoencephalography (é·kow·en· sé·fa·ló·gra·fí)
png |Med |[ Ing ]
:
paggamit ng ultrasound sa pagsisiyasat sa mga estruktura sa loob ng bungô.
eclair (í·kleyr)
png |[ Ing ]
:
keyk na maliit at biluhabâ na may palamáng krema, at may tsokolate o kape sa ibabaw.
eco- (é·ko, í·ko)
pnl |[ Ing ]
:
tumutukoy sa ekolohiya.
ecosphere (í·kows·fír)
png |Asn |[ Ing ]
:
rehiyon sa kalawakan, kabílang ang mga planeta na maaaring pamuhayan.
ecosystem (í·kow·sís·tem)
png |[ Ing ]
:
biyolohikong komunidad ng magkakaugnay na organismo at ang kaligiran ng mga ito.
ecru (éy·kru, ek·rú)
pnr |[ Ing ]
:
mapusyaw na kulay kape.
ecstasy (éks·ta·sí)
png |[ Ing ]
1:
labis na kaligayahan
2:
Sik
emosyonal o relihiyosong pagkawala sa sarili o pagkatulala.
ecto- (ék·to)
pnl |[ Ing ]
:
nangangahulugang sa labas.