Ab•ra•hám, Áb•ra•hám : sa Bibliya, pangalan ng pinakaunang patriyarka; amá ni Isaak at tradisyonal na tagapagtatag ng sinaunang nasyon ng mga Hebrew
áb•ra•ka•dá•bra 1: mahiwagang salita o pahayag na nagsisilbing pananggaláng laban sa sakít, kamalasan, o kasamaan 2: bulong na mahiwaga ngunit walang kabuluhan 3: walang-saysay na salita