a•lás 1: unang bílang sa isang manghal ng baraha, at may titik “A” bílang representasyon nitó 2: úna1-2 o pang-una 3: bagay na eksakto; bagay na walang labis, walang kulang
a•la•sás : haláman (Ficus ulimifolia) na tumataas nang 7 m at paikid at anyong susô ang ayos ng mga dahon
a•lás-ku•wá•tro : yerba (Mirabilis jalapa) na matingkad na lila ang dahon, mabango ang pulá, dilaw, o putîng bulaklak na bumubukadkad tuwing ikaapat ng hapon, at bilugan ang itim na butó, katutubò sa Peru