ba•lí•sa 1: pakiramdam na hindi mapalagay at kinakabahan; karaniwang dahil sa isang nalalapit na pangyayari o hindi matiyak na kahihinatnan 2: lunggating gawin ang isang bagay dahil sa pakiramdam na hindi mapalagay at kinakabahan 3: isang pinsala sa nerbiyos na nagdudulot ng labis na kabá at labis na hindi mapalagay, at karaniwang may kasanib na pabigla-biglang sindak 4: pagmamadali na may magulong iniisip
ba•li•sá•han : pook sa dagat o ilog na karaniwang pinagtutulusan ng talian ng bangka upang hindi ito tangayin ng anuman patúngo sa laot
ba•li•sa•rá : ibon na may makulay na balahibo (Harpactes ardens family Trogonidae) lalo na ang pagitan ng dibdib at tiyan na kulay matingkad na pulá