ba•nál 1: hindi nagkakasála sa isip, sa salita, at sa gawâ 2: nakalaan sa pagsamba o itinangi para sambahin
ba•na•la•tá : kasunduan ng mga nagmamahalan na huwag kumain o sirain ang anumang bagay, o kayâ’y huwag umalis sa bahay hanggang sa muli silang magkíta
ba•ná•law : punongkahoy na tumataas nang hanggang 10 m at nalalatagan ng maliliit at kulay kapeng kaliskis ang dahon at maliliit na sanga
Ba•nál na Es•pi•ri•tú : sa Kristiyanismo, ang ikatlong persona sa Trinidad at sinasagisag ng kalapati