bá•sil 1: uod na mabalahibo 2: kálang na ginagamit sa pagsisibak ng kahoy o pagbubukás ng kahon 3: kabilâ
ba•sí•li•ká 1: pampublikong bulwagan ng sinaunang Roma, ginagamit na korte at pook ng asamblea 2: katulad na gusali na ginagamit sa simbahang Kristiyano 3: simbahan na may espesyal na pribilehiyo mula sa Papa 4: malakíng simbahang pumapangalawa sa katedral
Basilio (ba•síl•yo) : tauhan sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, isa sa mga anak ni Sisa at naging tagapag-alaga ni Kapitan Tiago
ba•si•lís•ko 1: maliit na bayawak (genus Basiliscus) na may palong sa likod at buntot 2: maalamat na reptil, nakamamatay ang tingin at hininga