bu•lág 1: hindi nakakikíta; walang kakayahang makakíta 2: madilim ang paningin 3: hindi nakakaunawa o nakakaintindi; ayaw umunawa 4: hindi nagagabayan ng katwiran o katalinuhan 5: hiwalay o mapahiwalay
bu•lag•tâ : pagbagsak nang todo at walang kontrol sa sahig o lupa, patihaya o padapâ dahil nawalan ng malay o namatay