di•là 1: humimod o maghimod 2: ilabas ang dila upang mang-inis, magyabang, at iba pang katulad na kilos
di•là 1: organ sa loob ng bibig na ginagamit sa paglasa, pagkain, at paglunok, at sa tao, pagsa-salita 2: partikular na wika 3: paraan o kakayahan sa pagsasalita 4: anu-mang bagay na kahawig ng dila sa hugis, pagkakalagay, o tungkulin, hal dila ng sapatos 5: bagay na nagpapatunog sa ilang instrumentong pangmusika
di•là•di•là 1: pakông anuwáng 2: kabkábron 3: ilahas na damo (Pseudoelephantopus spicatus) na tuwid ang mga sanga at kumpol ang mga bulaklak
dí•lam•bá•ka : uri ng kaktus (Nopalea cochenillifera), tumataas nang 2 m, sapad, pabilog, matingkad na lungti, at makislap ang mga tangkay, malaki ang bulaklak na kulat pink, katutubò sa Timog Ame-rika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol
di•lám•bong 1: sagisag ng kataas-taasang pag-iisip at damdamin 2: pagpapahayag sa pamamagitan ng kapuri-puring salita 3: tula; mula sa “dila nga maambong” o magandang wika