gá•tod 1: pagpapalamuti ng babae para sa anumang masamâ o layuning mahalay 2: sakít sa bató 3: pag-ani ng tabako
ga•tól 1: pagkauntol ng banayad na galaw, gaya ng pagtama ng kut-silyo sa butó ng isang hinihiwa 2: pagsagka ng isang bagay na hinihila sa bakô-bakông daán 3: katí1
ga•tól-ga•tól 1: pahinto-hinto hal gatól-gatól na pagsasalita 2: bakô-bakô 3: maraming pekas, tulad ng bulutong-tubig
gá•tong 1: bagay na ginagamit upang mapanatili ang init o liyab ng apoy at pinagkukunan ng enerhiya 2: paraan ng pagdaragdag sa simbuyo ng damdamin