is·dâ : laman-dagat na may palikpik, kaliskis, at buntot, at humihinga sa pamama-gitan ng hasang nitó
is·dâng-ba·tó : uri ng wrasse (genus Talassoma) na makulay ang kaliskis lalo na yaong may matitingkad na pula, bughaw, at lungtian
is·dâng-bu·wá·ya : karniborong isdang-alat (Cymbacephalus nematophthalmus) na may sapad na ulo at malakíng bunganga
is·dâng-es·páda : napakala-king isdang-alat (family Xiphiidae, Xephias gladius) na may mahabàng katawan at mahabàng tíla espadang nguso
is·dâng lá·ring-lá·ring : maliit at napa-kanipis na isdang-alat (Centriscus scutatus) na patulis ang nguso at may kakaibang hugis ng buntot
ís·dan·lá·win : isdang-alat (family Exocoetidae, Cypselurus oligolepis, Cypselurus opisthopus, at Cypselurus spilopte-rus) na malapad ang palikpik at nakalulukso nang 10-20 m