ka•lát 1: lipana 2: wala sa ayos, tulad ng kalát na gamit 3: magkakahiwalay o magkakalayô sa isa’t isa
ká•lat 1: bagay na wala sa ayos o wala sa angkop na pook 2: sukal o dumi sa pook na kailangang maayos at malinis
ka•lá•tas 1: isang binigkas, nakasulat, o nakarekord na komunikasyon, karaniwan para sa isang pangkat ng tao o madlâ 2: liham
ká•la•tsú•tsing-bang•kók : pa-lumpong (Adenium obesum) na may makapal at namamagang bunged, 3 m ang taas, at may bulaklak na hugis túbo, at limang talulot sa dulo na kulay pink o pulá, katutubò sa South Africa at ipinasok sa Thailand bago dinalá sa Filipinas