kang 1: tawag paggálang sa isang nakatatanda ngunit hindi kamag-anak 2: sa madyong, tumutukoy sa pagkokompleto ng apat na magkakaparehong karakter ng pitsa
ká•ngan 1: balabal na kulay asul 2: noong panahon ng Espanyol, piraso ng maligasgas na tela na ginagamit ng mga Muslim bílang salapi sa pakikipagpalitan ng kalakal
kangaroo (káng•ga•rú) : sa Australia, hayop (genus Macropus) na marsupial, maliit ang ulo, malakí ang tainga, at mahabà ang binti at buntot; kilalá dahil sa kilos na palundag-lundag at sa pagdadalá ng anak sa pamamagitan ng tíla lukbu-tan sa tiyan
kang•káng 1: iyak o ungol ng áso 2: tulóy-tulóy na iyak ng sanggol 3: tulóy-tulóy na satsat na may mataas na tono 4: varyant ng kangkag
kang•ka•rót 1: sa trumpo, malikot at magaralgal na pag-ikot 2: may katangiang katulad ng naturang pagkilos ng trumpo
kang•kóng : haláman (Ipomea reptans aquatica) na malabaging, tumutubò sa mga tu-bigán, at iginugulay ang talbos
kang•kóng-ka•la•báw : yerba (Enhydra fluctuans) na tíla mabuhok at malamán, padapa ang tubò, at nag-uugat sa ibabâng bahagi ng mga bukó