ku•tô 1: tunog ng bula o bi-gas na iniluluto 2: ingay ng mga gumagapang na kulisap o ng kumu-kulong tiyan 3: kutós2
kú•to : parasitong (order Anoplura) maliit, walang pakpak, sapad ang katawan, at tumítirá sa buhok ng tao o hayop
ku•tób 1: pagiging tíla balisá dahil nahihiya o inuusig ng konsen-siya 2: pagkulô ng tiyan 3: ingay na nalilikha ng isang tao kapag nagpapaikot-ikot sa isang lugar na masikip 4: pintíg 5: paki-ramdam o paniwala sa isang pangya-yari o maaaring mangyari
ku•tód 1: salawal na korto 2: linyang itim na iginuguhit ng karpintero bílang tanda ng dadaanan ng lagari
ku•tó-ku•tó 1: kulisap (family Gerridae) na nakatirá sa tubig, at mahahabà at mabalahibo ang mga galamay 2: sikmurà1 3: kitikiti1
ku•tón 1: pagpapakitid o pagpapa-ikli sa káyo o papel sa pamamagitan ng pagtitiklop o pagtutupi, ginagamit din upang tumukoy sa kunot ng noo dahil sa gálit o sa kulubot dahil sa pagtanda, at sinasabi namang “walang kutón ang loob “ ang táo na matapat 2: langgám
ku•tós 1: ingay na likha ng mga dagâ na nása mga dahon ng nipa 2: papitík na ka-tok sa tuktok bílang parusa