ku•wá•kit : uri ng maliit na hipon (Metapenaeopsis palmensis), ang pinakamahabà ay umaabot sa 10 sm at bigat na 6 gm, may katawang medyo mapuláng kayumanggi na may mga batik na maitim na kayumanggi, at nahuhúli nang maramihan sa dagat
ku•wá•ko : kasangkapang silindriko na may tíla maliit na bao sa isang dulong sinisiksik sa tabako at ginagamit sa paghitit ng tabako