li•kód 1: ang kabilâng rabaw ng katawan ng tao mulang balikat hanggang balakang 2: pang-itaas na rabaw ng katawan ng hayop 3: ang kabilâng panig ng isang bagay 4: kilya o patuto ng bangka o bapor 5: ang kabila ng harap 6: ang bahaging hindi nakikíta sa bagay na tinitingnan 7: ang bahagi ng isang bagay na malayò sa tumitingin
lí•kom 1: dahan-dahang pagti-pon túngo sa pagkakaroon ng ma-raming bílang, gaya sa paglikom ng salapi 2: pagtitiklop o pagliligpit ng mga da-mit, banig, watawat, at iba pa mata-pos gamitin
li•ko•pód•yo 1: uri ng pakô (genus Lycopodium), tíla karayom ang dahon na may habàng 3 sm 2: pinong pulbos na nakukuha mula sa bulaklak nitó na ginagamit sa operasyon at sa paputok
li•kót 1: pagiging magalaw ng anuman o sinuman 2: paggawâ ng hindi nararapat sa pamamagitan ng kamay, hal pandurukot 3: kapilyu-han; pagiging mapaglaro 4: galáw3.