mi•lá•no : ibong manda-ragit (genus Milvus) na mataas kung lumipad, may mahabàng pakpak, at buntot na parang tagdan
mild (mayld) 1: sa tao, maba-it, maalalahanin 2: magaang na parusa 3: sa karamdaman, hindi malubha, hindi mabigat 4: sa pa-nahon, katamtaman 5: sa pagkain, hindi matapang ang lasa o katamta-man ang alat, tamis, at iba pang lasa 6: kung sa sabon, salitâ, at kilos, banayad ang bisà
mildew (míl•dyu) 1: sa-kít ng haláman, karaniwang mapa-pansin sa pamumuti ng rabaw ng apektadong bahagi at dulot ng mapaniràng funggus 2: tagulamín
mi•lég•was : baging (Telosma cordata) na maki-nis ang punò, malapad ang dahon, mabango at balahibuhin ang dilaw o dilawing lungting bulaklak, katu-tubò sa India at Tsina at ipinasok sa Filipinas sa bungad ng ika-20 siglo
mi•lén•yo 1: san-libong taon 2: ang buong isang libong taon na, ayon sa paniniwala, dáratíng ang Kristo sa katapusan ng mundo
miles per galon (mayls per gá•lon) : konsumo ng isang galong gasolina sa mga tinakbong milya ng sasakyan
milestone (máyls•town) 1: bato na inilagay sa gilid ng daan bílang marka ng isang milya 2: pangya-yari o yugto sa búhay, kasaysayan o proyekto na makahulugan
mil•fló•res : palumpong (Hydrangea macro-phylla) na may malalakí, kumpol ang bughaw, pink, o puláng bulak-lak, at nabubúhay sa malalamig na pook
milfoil (míl•foyl) : tuwid na yerba (Achillea millifolium), 60 sm ang taas, putî ang bulaklak, ka-tutubò sa Europa at itinatanim nga-yon sa Cordillera