mo•rál, mó•ral 1: aral, karaniwan hinggil sa kung ano ang tama at nararapat, na nakukuha mula sa isang kuwento, impormas-yon, o karanasan 2: pamantayan sa ugali at paniniwala hinggil sa mga nararapat o hindi nararapat
mo•rál, mó•ral 1: a may kinaláman sa kabutihan o kasama-an ng karakter ng tao b hinggil sa pagkakaiba ng tama at ng malî 2: a alinsunod sa mga istandard ng pangkalahatang asal b hinggil sa etika
morale (mo•rál) : tindi ng pagkakaisa, sigla, katapatan, at disiplina ng isang tao o pangkat sa loob ng isang panahon
mo•ra•li•dád 1: tindi ng pag-angkop ng idea, praktika, at iba pa sa mga prinsipyong moral 2: tamang asal o pagkilos 3: tamang aral 4: aral hinggil sa mga moral 5: par-tikular na sistema ng mga moral
mo•ra•lís•mo 1: sistema ng pagdidiin sa moralidad 2: pagsisikap na hatulan ang gawa-in ng iba alinsunod sa moralidad
morality play (mo•rá•li•tí pley) : noong Edad Medya, alin-man sa mga dulang alegoriko na nagtuturò ng aral