pi•kô 1: uri ng laro na may tinitisod na bató ang manlalaro na kumakandirit sa loob ng mga iginuhit na bahagi ng isang bahay 2: salitâng Bisaya, pagbaluktot o pagtupi sa anumang malapad o mahaba.
pí•ko 1: uri ng mangga na katamtaman ang lakí at hindi gaa-nong maasim kung hilaw 2: kasangkapang pambungkal na may ulong bakal na matulis ang isang dulo at malapad ang kabila
pí•ko•ló 1: maliit na plawtang isang oktaba ang taas ng tunog kaysa karaniwang plawta 2: uri ng maliit na paputok.
pí•kot 1: píkon 2: pamimilit sa isang tao na gumawâ ng isang bagay na mahirap takasan, gaya ng pagpapakasal