pí•pi 1: tao na hindi makapagsalita 2: paglalaba ng damit 3: pagi-ging baog kung tao at bansot kung prutas 4: maliit na piraso ng sabon 5: uri ng punongkahoy na may malalaking dahon tulad ng talisay.
pi•pí•no : baging (Cucumis sativus) na magaspang at gumagapang, hugis itlog ang dahon na nahahati sa limang bahaging tulís ang mga dulo, dilaw ang bulaklak, at may biluhabâng bungang nakakain
pi•pít 1: alinman sa ibong maliit (family Syliidae), kumakain ng kulisap at karaniwang may huning matinis at pabago-bago ng nota 2: maliit na ibon (family Nectariniidae), makulay ang balahi-bo, may mahabàng kumukurbang tuka na ginagamit sa pagkuha ng nektar
pi•pít-ba•káw : uri ng maliit na pipit (Gerygone sulphurea) na makikíta saanmang dako ng Filipinas at may nangingibabaw na kulay maputlang dilaw.