po•né•ma : sa ponetika, alinman sa mga yunit ng tunog sa isang tiyak na wika na nagbibigay ng ibang kahulugan sa isang salita
po•né•mang seg•men•tál : tunog na ginagamitan ng mga katum-bas na letra o titik upang mabása o mabigkas.
po•né•mang súp•ra•seg•men•tál : makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat; sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.