sak•lâ 1: metal na singsing sa puluhán ng patalim 2: uri ng sugal sa baraha, na isang manghal ang nakalatag sa mesa nang pares-pares at mananalo kung tumama ang dalawang barahang tinayaan
sak•láb 1: yugto sa proseso ng muling pagluluto sa luad na ginagawâng tapayan 2: pagsuob o paghilot sa babaeng kapanganganak lámang
sak•láng 1: pamatok ng báka 2: kabalyete2 3: Ark pakrus na patong sa tuktok ng bubong na pawid o kogon 4: sakáng
sak•láng : nakabuka ang mga paa gaya ng nakasakay sa likod ng kabayo, báka2, o kalabaw, at katulad na hayop
sak•láw 1: lawak o layo ng pananaw, gamit, bisà, o operasyon 2: kapangyarihan o karapatan ng isang awtoridad
sak•láy 1: kasangkapang ginagamit na pantukod o pansalalay, karaniwang iniaatang sa kilikili ng pilay o may kapansanan upang makatulong sa paglakad o pagtayô 2: singkaw1 3: balábal 4: laro sa baraha