sa•ngá 1: bahagi ng pu-nongkahoy o haláman na tumutubò sa pinakakatawan at may mga dahon 2: bahagi na humihiwalay ng tunguhin o pupuntahan, gaya ng sanga ng ilog at sanga ng lansangan 3: dangkal
sá•ngab 1: pook na naiinitan ng apoy, araw, at katulad 2: pag-inom nang tuloy-tuloy hábang pinipigil ang paghinga 3: mohón
sa•ngág 1: bahaw na iniluto sa kaunting mantika at bawang, at malimit inihahain sa almusal 2: pagluluto sa kawali 3: paglinis o , paggawang dalisay sa ginto 4: pagpapaliit nang bahagya sa isang bagay
sa•ngáp 1: pag-inom nang ninanamnam ang sarap 2: langhap 3: pag-lalápat o pagpapasok nang maayos ng isang kahoy sa isang bútas na ginawâ sa haligi
sá•ngat 1: kalawit2 2: aáb 3: suporta o tukod ng anu-man upang hindi mabuwal o mahu-log 4: hugpungan ng mga butó na naiikot 5: pagpapahayag ng puna o matinding hindi pagsang-ayon