ta•bí 1: magsubi, magbukod, o magtirá 2: ilagay sa gilid ang isang bagay 3: iligpit o itagò 4: umalis sa kinata-tayuan upang magbigay-daan 5: tumae
ta•bi•gì : uri ng punongkahoy (Xylocarpus granatum), karaniwang matatagpuan sa gilid ng mga ilog o sapà
tá•bing 1: nakabiting piraso ng tela na ginagamit upang hindi makapasok ang araw, dili kayâ’y bílang palamuti ng isang silid, kanlungan, pansará ng entablado, at katulad 2: malbás
ta•bi•ngî : hindi pantay ang ayos o pagkakapuwesto, gaya sa tabingîng mesa o tabingîng pagkakasabit ng kuwadro
tá•bi-ní•hok : dalawang entrepanyong paldang pambabae, gawâ sa abaka, hugis bumbong, at liso ang pagkakahábi