ta•lóng : haláman (Solanum melongena) na tumataas na 1 m, biluhabâ ang dahon na mabalahibo ang ilalim, kulay lilà o asul ang mga bulaklak, at karaniwang mahabà at lilà ang makinis na bunga bagama’t mayroon ding mabílog at lungtian
ta•lóng•ga•tíng : set ng bumbong ng kawayan na inilalagay sa kandungan, at tinutugtog na tulad ng silopono
ta•lóng-su•sô : uri ng yerbang tíla talóng (Solanum mammosum), may hugis peras na bungang may mga utong sa dulo