ta•ngì 1: kaiba sa karaniwan o karamihan 2: kaisa-isa; walang katulad, natatanging isa 3: may partikular na okasyon, layon, at iba pa
ta•ngí•le : punongkahoy (Shorea polysperma) na masanga at tumataas nang hanggang 30-50 m, kumpol-kumpol ang mga bulaklak na nagiging bungang may tíla limang pakpak.
ta•ngín 1: paglalagay ng isang bagay sa ibabaw ng isa pang bagay upang putulin ito 2: panan-daliang pagtigil ng mga naglalayag.
ta•ngí•sang-ba•yá•wak : ma-taas na punongkahoy (Fisus variegata), na may maputlang balát, malalapad ang dahong humahabà nang 10-17 sm, bilóg sa punò, at patulís ang dulo