ta•tá 1: tili ng daga 2: pag-hiwa bilang palatandaan, tulad kapag binibiyak ang balat ng niyog upang gawin itong sisidlan na maaaring inuman.
tá•ta 1: tawag sa amá 2: tawag ng paggálang sa matandang laláki 3: punongkahoy na maraming marka ng pagtagâ.
tá•tad : uod na kasinlaki at kasingkapal ng ordinaryong daliri at ang unang anyo ng isang mala-kíng paruparo
ta•tág 1: pagiging matibay at ma-tagal bago masira o mapuksa 2: kakayahang lumaban o sumalungat sa pagbabago 3: kakayahan ng isang bagay na bumalik sa dáting anyo matapos matinag
ta•ta•kang•bis•líg : napakatigas, dahil itinuturing na napakatigas na ginto ang bislig, at tinatawag na “tatakang-bislig ang loob” kapag matigas ang puso.