ti•yád : lumakad nang palihim o maingat sa pamamagitan ng dulo ng malaking daliri ng paa o ng mga daliri ng paa
ti•ya•gâ : sipag at sikap na ituloy ang gawain, kahit magtagal, sa kabilâ ng babala, oposisyon, at mga kabiguan
ti•yán 1: bahagi ng katawan sa pagitan ng diaphragm at bala-kang; naglalamán ng mga bituka, at iba pa 2: malakí at tíla súpot na organ na dinadaanan ng pagkain mula sa lalamunan upang imbakan nitó hábang nagsisimula ang proseso ng pagtunaw 3: sa mga kulisap at crustacean, ang hulihang bahagi ng katawan.
ti•yá•nak : lamáng-lupa na si-nasabing kaluluwa ng sanggol na namatay nang hindi nabinyagan, karaniwang mapaglaro at mahilig iligáw ang sinumang mapaglaruang manlalakbay
ti•yang•gê 1: pansamantalang palengke na mababâ ang presyo ng bilihin 2: takdang-araw ng pamilihan para sa isang pook o ba-yan
ti•yáp 1: pagkaka-sundo na magkíta sa isang tiyak na panahon at pook 2: pagkakasundo na gawín nang magkasáma ang isang bagay 3: hindi sinasadyang pagtatagpo o magka-sabay na pangyayari